BAKIT

Share ko lang sana napagdaanan ko mga 1 week na. I'm 20 weeks preggy na po. After sumahod ni mister nung nakaraang araw, washed out po lahat ng sweldo nya dahil ang daming naming babayarin/utang kasama na dyan ang sa apartment 3500. Wala syang natanggap na incentives kasi ang hina ng benta so basic salary lang nakuha nya 5k+. Ang hirap ipaintindi sa kanya mommies na lagi akong nagugutom, kailangan kung kumain, nasundan kasi si baby wala pang 2y.o kaya nagdedede pa sakin. 2x a day lang kami nakakain mag wa-1 week na. Tiniis ko nalang kasi kahit anong away ko sa kanya wala eh, baliwala sa kanya (ganito din nangyari sakin sa 1st born ko) tinitiis yung cravings. Grabi gutom na nararamdaman ko syempre dalawa sila need ng supply ko pero bakit di maintindihan ni hubby yun? Kada mag o-open up ako sa kanya na bakit sya ganyan, bakit pinapabayaan nya na gutumin kami sasabihin nya lang nagtatry naman syang mangutang pero wala talaga syang makitang mautangan. Minsan napapaisip ako eh, kung manglimos nalang kaya ako? As if may magbibigay diba? Kung hindi lang siguro ako buntis nagtatatrabaho na ako ngayon kaso nag stop lang ako nun kasi walang matinong mag aalaga sa panganay ko kaya heto nasundan. I'm thankful naman kasi gusto ko may kalaro din sya. Isa ko pang problema hanggang ngayon wala parin akong tinatake na vitamins o kahit anong gamot kasi di pa ako nakakapagpa prenatal. Zero na zero talaga kami ngayon. Sobrang hirap ng buhay parang ang sarap ng mag give-up. Hindi katiwa-tiwala pero yan po yung sitwasyon namin ngayun. Ok na sana nung nag o online business ako pero na stop dahil kailangan kong ibenta phone ko kay partner tung phone na ginagamit ko which is gabi lang talaga ako makakaonline at malibang ko yung sarili ko. Any advice po ba? Ano po dapat gawin? Wala na akong mahihingan ng tulong. Nag woworied lang naman po ako samin ni baby at ng ate nya. Sa partner ko, ano pa po bang kailangan kong gawin para hindi nya na kami gutumin. Lagi nyang dinadahilan na walang pera *which is totoo naman* pero kailangan ba talaga kaming mag sacrifice ng ganito? Help me pray moms na sana bukas complete meal na kami ni baby. Miss ko na mabusog. :(

50 Replies

kami din hirap pero hindi pinpakita ni hubby sa akin na nahihirapan sya, kaya ang ginagawa ko kapag ako lang nasa bhay at nasa work sya yung ulam ko sa tanghali nagtitura ako para may pangmeryenda ako para hindi kamsyado magastos , every sahod niya binibigay niya lahat sakin kapag papsok sya nagpapaalam pansya na hihingi sya ng baon niya sabi niya tipirin ko nalang daw pero wag ko daw tipirin ang pagkain ko, kaya minsan pinapaglitan ko sya binibigyan ko sya ng 100 malapit lang kasi yung work niya sa bahay taz nilalakad nia lang at libre naman lunch nila pero 90 pa ang natitura rason niya itutulog niya nalang daw kaya nagagalit ako kasi mas inisiip niya kami kesa sa sarili niya..

Try to understand your husband mommy. Di naman nya sguro gustong ganyan mangyari. Basta mahalaga nagta trabaho sya para sainyo. And ginugutom is not a good term na sabihin sa asawa mo kasi nagpo provide naman sya para sainyo. Hindi lang sguro sapat. On your part as a wife,try to find other alternatives like magtinda ng kung ano na di masyado mabigat sa bulsa na puhunan pero alam mo na mejo kikita. Magtulungan lang kayo ng asawa mo. Pasasaan din makakaraos din kayo. Kami di naman masyado kapos pero 2x lang din kami kumakain sa isang araw. 😂 im pregnant too. And may toddler pako.Tiis lang mommy. :) and pray to Him.He is the great provider.

Hugs po Mommy...malalagpasan niyo din yan, yes kayo... Sure na bilang lalaki at may pamilya nahihiya din yan na di niya mabigay lahat ng gusto ng pamilya niya. Nasa sitwasyon lang siguro kayo ngayon na sinusubok kayo... Mas tatagan niyo yung tiwala sa isat isa... Hanap ka muna ng alternative na masustansyang pagkain pero mura...itlog ilaga, tapos sabawan ng malunggay... Sardinas okay din paminsan minsan lang... Yung sinabawang gulay like okra, kalabasa laswa tawag... Mahirap din kasi inay na mangungutang si hubby mo tapos pagdating ng araw ng bayarin wala kayo maibayad dahil kapos ang sweldo... Mas nakakastress yun...

Hi sorry dahil dinadaan niyo to ngayon, mommy :( but don't doubt your husband po, he sounds like he's trying his best naman to provide for you and your babies. Mahirap lang talaga ang ekonomiya ngayon at lahat nang mga pwedeng utangan, gipit din. Wala ba kayong family ni husband? Why not ask his family or yours for help? Kahit kaunti lang na tulong, malaki na rin yun. Mababayaran niyo rin naman sa huli. Good thing you posted here din, baka may makatulong rin sainyo from this app. I would like to help so much pero kami din, piga na. Don't give up ha? We'll be praying for your family

mahirap din po sa lalaki na hindi maibgay gusto ng mag ina nia try to understand nalang po ang importante di nia kayo hinayaang di kumaen sa loob ng isang araw.... sa center po libre ang check up ng buntis at ung vitamins... try nio din pong dagdagan ung niluluto nio sa gabe para makapag almusal ka... minsan kasi nasstress din po ung mga asawa natin lalo na kung sila lang din nagwowork . ako pinahinto ako ni hubby sa trabaho ko pero gumagawa pa din ako ng way paranakatulong sa kanya... pwede mo din po kausapin si mister mo na ikaw muna gagamit ng phone nia paranakapag online ka

Hi Mommy. Dont think na pinapapabayaan kayo ng partner mo. Kasi for sure sobrang nastress din yan kakaisip kaso wala lang siguro talagang ibang way na makapagprovide siya ng iba mo pang needs. Magaling kasi magtago mg feelings mga lalaki kaya minsan akala natin balewala lang sa kanila. Pero believe me Mommy, he is also hurting as much as you do dahil sa sitwasyon niyo. Tiis lang muna momshie, for sure kung may pera si mister hindi siya magdadalawang isip na bilhan ka ng mga kailangan.mo. At kung mkakagawa ka ng paraan ng matulungan siya, mas okey po yun.

Isipin mo na lang momsh, ung mga homeless nga nakakasurvive na marami anak, what more kayo? Ikaw? Kaya mo yan! Hayaan mo dumiskarte si partner, ginagawa naman niya lahat sadyang mahina lang ngayon pero malay mo maging okay naman for the next few weeks. Ang tanging tulong na magagawa mo sa kanya at sa sarili mo ay magtiwala sa isat isa. Lahat ng makukuha ko libre para sa baby mo, gawin mo. Magfile ka ng indigency sa philhealth, magpunta ka sa health center for check ups etc. Basta next time, family planning na po ah kasi mag2 palang yan mejo hirap na kayo.

VIP Member

I'm sure masakit din sa hubby mo na makita kayong mag ina na nahihirapan lalo kana kasi buntis ka. Understand ur partner kasi marami pang problema ang dadating and u will have to face them together. Iwasan nyo po e.blame ang isa't isa kasi wala din naman nyan maitutulong sa situation nyo. Pray hard kasi hindi bulag c God. He will not give something na hindi nyo kaya. Try to ask help sa parents nyo or siblings. It's not bad to ask help, we all need that sometimes. May mga tao ma maiintindihan ang situation nyo. God bless and be strong. ♥️

Yung partner ko maliit lang din sahod. 6-7k lang. Wala pang anak lalabas palang pero kulang talaga. Hindi solusyon ung mangutang ng mangutang kasi lalo lang mahihirapan. So gumagawa din ako ng paraan. Nagstop ako magwork kasi hirap nadin ako kumilos. PERO dahil nga kukulangin tlaga yung sahod niya nag homebased job ako. Bumili ako ng laptop galing sa huling sahod ko. Minsan maiinis ka talaga sa sitwasyon niyo pero minsan kailangan mo ding kumilos or tulungan siya. Kasi kung hindi parehas lang kayong mahihirapan.

For ur husband momsh nahhiraoan dn yan. Ang mga boys kasi ayaw mgparamdam ng hirap lalo kna buntis ka. Try to buy enough foods sa natirang sahod. As long as mkkain kau 3x a day ng babies nyo. Bigas nmn ang importante, sa ulam more veges kahit less meats lang. Veges are healthy. Consume mo nlng ung aNong meron. Huwag na e pressure c mister alam mo nmn ang kita nya sa trabaho. Hindi mo kailangan manglimos just to eat kung my work nmn at sahod kab8 ppano. God bless po momsh, stay strong & please pray always🙏

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles