BAKIT

Share ko lang sana napagdaanan ko mga 1 week na. I'm 20 weeks preggy na po. After sumahod ni mister nung nakaraang araw, washed out po lahat ng sweldo nya dahil ang daming naming babayarin/utang kasama na dyan ang sa apartment 3500. Wala syang natanggap na incentives kasi ang hina ng benta so basic salary lang nakuha nya 5k+. Ang hirap ipaintindi sa kanya mommies na lagi akong nagugutom, kailangan kung kumain, nasundan kasi si baby wala pang 2y.o kaya nagdedede pa sakin. 2x a day lang kami nakakain mag wa-1 week na. Tiniis ko nalang kasi kahit anong away ko sa kanya wala eh, baliwala sa kanya (ganito din nangyari sakin sa 1st born ko) tinitiis yung cravings. Grabi gutom na nararamdaman ko syempre dalawa sila need ng supply ko pero bakit di maintindihan ni hubby yun? Kada mag o-open up ako sa kanya na bakit sya ganyan, bakit pinapabayaan nya na gutumin kami sasabihin nya lang nagtatry naman syang mangutang pero wala talaga syang makitang mautangan. Minsan napapaisip ako eh, kung manglimos nalang kaya ako? As if may magbibigay diba? Kung hindi lang siguro ako buntis nagtatatrabaho na ako ngayon kaso nag stop lang ako nun kasi walang matinong mag aalaga sa panganay ko kaya heto nasundan. I'm thankful naman kasi gusto ko may kalaro din sya. Isa ko pang problema hanggang ngayon wala parin akong tinatake na vitamins o kahit anong gamot kasi di pa ako nakakapagpa prenatal. Zero na zero talaga kami ngayon. Sobrang hirap ng buhay parang ang sarap ng mag give-up. Hindi katiwa-tiwala pero yan po yung sitwasyon namin ngayun. Ok na sana nung nag o online business ako pero na stop dahil kailangan kong ibenta phone ko kay partner tung phone na ginagamit ko which is gabi lang talaga ako makakaonline at malibang ko yung sarili ko. Any advice po ba? Ano po dapat gawin? Wala na akong mahihingan ng tulong. Nag woworied lang naman po ako samin ni baby at ng ate nya. Sa partner ko, ano pa po bang kailangan kong gawin para hindi nya na kami gutumin. Lagi nyang dinadahilan na walang pera *which is totoo naman* pero kailangan ba talaga kaming mag sacrifice ng ganito? Help me pray moms na sana bukas complete meal na kami ni baby. Miss ko na mabusog. :(

50 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bakit yung asawa ko sinisisi ako dahil kulang ang sahod ko sa isang buwan? wala syang trabaho. ako lng po ang meron. inaaway nya ko dahil minsan hndi sapat ang sahod ko para samin. wala kaming anak. lagi nyang sinasabi na kasalanan ko daw at responsibilidad ko sya. alam ko naman un. kaso anong magagawa ko eh kulang tlga ang sahod ko? lgi nya kong sinisisi. dumating pa sa point na bat p dw sya nagpakasal sakin. ako dw may ksalanan ksi hndi ko raw sya mabuhay. nadedepress po ako. btw lalaki po ako

Magbasa pa

Nakakalungkot po yung situation mo pero kaya mo po yan momsh. Parang nakakabaliw pa naman yung mayat maya nagugutom ka, sobrang sakit sa tyan na nakakaiyak pag di agad makakain kahit kakakain lang 😭 Sa prenatal mo po punta ka po ng center libre po dun tska vits libre din. Pray harder po sna gumaan yung situation nyo support mo lang po si mister mo at least nsayo lahat2 ng sahod nya ayun nga lang di tlga sapat, tinda tinda ka din po ng meryende khit onting kita nakakadagdag din yun

Magbasa pa

sa center po kayo magpa-prenatal. wala po bayad dun. mabibigyan din po kayo ng mga vitamins. about sa money. try mo po mag-online selling or magtindahan or magtinda tinda ng mga tusok tusok na hindi ganun po matrabaho. madami pa po dadating na problema na haharapin ng mag-asawa. stop blaming each other po lalo na kung pera ang pagaawayan. dyan kayo hindi magkakaintindihan at magkakahiwalayan eventually. Pray lang po kay God. hindi nya kayo papabayaan.

Magbasa pa

mamsh wag mo po ipressure si hubby, nakakabaliw ang money problem. mag usap po kayo ano mainam na strategy para magkaroon extra income. ako po working mom, lahat ng demand sa house nakakapressure, parang mapuputol na pisi ko at sure ganyan din ramdam ni hubby mo. pag usapan myo mabuti, comfort nyo po isat isa at magpray. malalamapsan nyo din po yan. pila po kau sa center for prenatal momsh para po makalibre check up at vitamins po.

Magbasa pa

Mommy stop mo na pagpapadede kay baby number 1 kasi buntis kna..nkaka'stress talaga ang problema sa pera..magtulungan kau kung pnu magbudget..kami ni partner nag'usap kami kung pnu mababawasan ang gastusin namin like yung mga di nman gaanong kelangan wag na bilhin..nililista ko rin yung mga gastos namin..tapos wag na po kayo umutang kasi hindi kayo nyan mkakabangon..punta ka sa center nyo hingi ka ng vitamins libre lang yun..

Magbasa pa

Seek help sa munisipyo nyo, sa MSWDO/CSWDO, baka naman may mga sobra silang food packs doon at ibang forms of help na maibigay. Regarding prenatal care mo, free naman sa health center, i do hope pati vitamins. Imagine kung wala kang nutrition na natatanggap sa food intake tapos wala pa vitamins, baka kung mapano si baby. Sa social worker ng munisipyo nyo, pwede mo sabihin lahat para mapag usapan nyo kung ano pa pwede nyo gawin

Magbasa pa
VIP Member

Ako den mumsh nag oonline, tinigil ko kase ung pera ginamit ko sa mga pang check up. paunang vitamins, and d ko na dn tlga kaya ung pagod. makakaahon din tayo mumsh tiis lang, dpat pakatatag lagi, para kay bibi, 💓 god bless mumsh.. never think of giving up.. ako, gipit na sa sahod ni hubby wala pa ko maasahan sa family ko kase sakto lang dn nmn ang meron sila, tatag lang ng loob para sa lahat ng problema. 💓

Magbasa pa

Wag mu sisihin c hubby mu momy na ginugutom niya kayo.. naranasan ko din po yan .. to the point na walang wala talaga .. Mswerte ka pa nga 2x a day ka pa nakakain.. Samantalang ako noon basta may bigas solve na aq ... Gingawa gngwa ko fried rice yun na ulam ko hangat gabi.. Ok kaya minsan rice kape ..sinsabaw ko sa rice .. At salamat din nakaraos kame ... Pray lang palage kay papa god ... kaya mu yan ..

Magbasa pa
VIP Member

Hi mommy, para sakin lang po ito ha. Nakakabaliw po talaga ang problema sa pera nararanasan din po namin ng lip ko yan. Pero Di po Nakakatulong yung iniisip nyo Na ginugutom Nya kayo. I'm sure masakit sa part ni hubby yung Di nya maibigay yung needs nyo. Ganyan Na ganyan din po kase nararanasan namin minsan parehas nalang kaming naiiyak pag paubos Na gatas ng baby namin at wala kaming pambili.

Magbasa pa

Sa center ka nalang pa check up mommy.. Libre na mga vitamins na ibibigay sayo. Kesa naman as in wala ka man lang tine take na vitamins tapos Kulang kapa sa kain. Anong nutrients ang ma ibigay mo sa dalawang anak mo? Kawawa naman yung binuntis mo kung ganun. Saka tungkol Don sa sahod ng Asawa mo try mo mag tipid.. Makakaraos din kayo. Ang hirap naman ng sitwasyon mo. 😢

Magbasa pa