Asawa na walang ibang ginagawa kundi magtrabaho.

Share ko lang po wala kase akong ibang mapagsabihan. Para lang po mabawasan yung bigat and by any chance makakuha ng advice. Note: Sinabi ko na toh sa asawa ko pero wala nmang nagbago. Yung asawa ko po walang ibang alam na gawin kundi magtrabaho. Tricycle driver po siya, malapit lang sa bahay namin. Minsan nag-aalaga ng bata. As in yun lang. Lahat ng gawain sa bahay ako na gumagawa. Never akong tinulungan kahit may time nman siya. Ang mga damit, sapatos, pinagkainan, basta nlang iniiwan nakakalat. Hindi magawang ligpitin o ayusin. Lagi ko siyang sinasabihan na ayusin mga gamit nia at tulungan ako sa gawaing bahay, laging dahilan namamasada siya. Parang may kaltas pag nalate sa pila laging nagmamadali umalis. Ang ginagawa nia, pinapapunta ang nanay nia sa bahay. Ang akin lang, nakakahiya kase nanay pa nia naghuhugas ng pinggan at naglalaba ng damit. Well, I appreciate the effort and kindness ng biyanan ko. Kaya lang dapat tinuturuan nlang nia ang anak nia maging independent. Hindi na bata ang anak nia at may sarili ng pamilya. Isa pang ayaw ko ehh hindi nia ako binibigyan ng pera, pambili lang ng ulam sa araw2x. Ang kwento sa mga kaibigan nia lagi malaki kita nia sa pasada, pag tinatanong ko laging wala kase ibinayad na daw nia at ibinili ng pagkain. Tapos sasabihan ako ng mataba at madaming pimples. Kapapanganak ko plang, we have two month old baby. Paano ba mawala ang pimples kung kahit pambiling sabon wala siya binibigay. I'm a CS mom pero never nia akong inalagaan. Pag ako may pera binibigyan ko siya pambayad sa mga utang nia at ako din bumibili ng mga gamit sa bahay, damit nia, at gamit ni baby. Pag walang wala na siyang pera, sinasabihan ako ng putang inang buhay toh. Bakit parang kasalanan ko. May work po ako naka maternity leave lang po ngayon. Ang hirap pla ng walang trabaho, walang sariling pera at asawa na walang alam na gawin.

undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply