household chores

share ko lang... pampagaan lang po loob 9 kami family members nakatira sa bahay ng parents ko. kami ni hubby ay nakatira sa bahay ng parents ko, hindi kami makaalis kasi ayaw ng mga magulang ko mawalay ako ( bunso po kasi akong anak) at di ko din sila maiwan kasi naaawa ako sa kanila dahil sobrang tamad po ng mga kapatid ko kahit senior citizen na mama ko at may karamdaman si mama siya pa din ang umaasikaso sa kanila. tinutulungan namin sya ni hubby, hindi na namin pinapakilos pero etong mga kapatid ko wala talaga pagkukusa, minsan nga nagseselos na po ako sa treatment ng mama ko sa aming magkakapatid, kasi nagsabi lang na iempty na trashbin sabi ko mama wait lang ah hinga lang kami, kasi katatapos lang ng isang chores eh si hubby sobrang pagod na din, nagalit agad si mama sa amin. hayyy iniintindi na lang namin ni hubby. huhuh masakit lang kasi pag si ate o si kuya hindi magawa iligpit pinagkainan at itapon ang napkinsa trashbin walang imik si mama pero ako at si hubby na pagod maghapon gumagawa napag initan pa ng ulo ??? minsan gusto na lang namin alisan kaso nakakaawa talaga sila mama at papa ni hindi rin sila pinagluluto at pinaghahainan ng pagkain. wala naman problema sa akin household chords at contributions eh, yung masakit lang talaga eh yung kayo na ni hubby nag eeffort tapos hindi mo maramdaman na naappreciate ka kasi lagi may side comment kaysa magpasalamat pa. ano na kaya gawin namkn ni hubby, kung sino pa yung nagsisilbi sila pang hindi pakitaan mabuti. huhu buti n lng talaga mabait si hubby at mahaba pasensya, minamaliit kasi ng isa kong kuya dahil househusband. kala ba nila madali trabaho househusband... hay pati aila pinagsisilbihan din.. kaasar talaga.. kundinlang nangingibabaw pagmamahal namin sa magulang namin umalis na ako sa bahay nila ???

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi naman habang buhay kelangan mong paglingkuran sila, especially magulang mo (dont get me wrong here ha) may sarili ka na pamilya na kelangan mo intindihin, hindi nalang puro sila db.. Kasi alam naman nating lahat na balang araw magkakaroon tayo ng sariling pamilya at dapat tanggapin natin na aalis at aalis rin tayo sa poder ng magulang natin pero it doesnt mean na kakalimutan na natin sila, pwede mo naman sila dalawin.. What i mean is kung kaya nyo naman magsarili ng asawa mo, gawen nyo..hindi naman habang buhay dapat ganyan ka sknla especially sa mga kapatid mong tamad. Dapat sila ang kinakausap mo regarding sa ugali nilang yan, alam ko kapag nangyare yan maaaring pagmulan ng gulo or away pero atleast nasabi mo sknla ang nararapat, malalaki naman na mga kapatid mo (base on your comment na ikaw ang bunso) hindi na nila kelangan pang pangaralan para gumawa sa pamamahay nila. IKAW ANG KAWAWA AT ANG HUBBY MO kapag nagtuloy tuloy yan habang sila pasarap sa buhay.

Magbasa pa
7y ago

Ang hirap pala talaga ng lagay mo dyan sis, Nabasa ko sa profile mo na preggy ka..hindi ka ba nahirapan nyan? Preggy ka tapos gumagawa ka ng house chores.. Mas lalo mahirap sis kapag lumabas na ang baby mo, hindi ka na basta basta makakagawa ng gawaing bahay, kelangan mo naman ng support from your parents & siblings..si hubby mo naman, siya ang magiging katuwang mo kay baby nyo.. Basta kapag nanganak ka sis, magpalakas ka at wag masyado gagawa na ng mabibigat, hindi lang ikaw ang kawawa pati na si baby..at sana maintindihan yon ng pamilya mo.. Goodluck sis.