51 Replies
Ganyan din ako, natatakot tuloy ako bat may dugo sa ihi pero yun nga pwet ko naman ang dumudugo. If nag take ka ng ferrous ganyan ang kinalabasan momshie, kaya ayaw ko na inom ng ferrous eh. Iโm in 39 weeks 2 days sobrang takot takot talaga ako lumabas baby kasi grabi yung pag iri sa dumi. Alam ko color black yung dumi mo sguro tas ang laki. Haha! Same naman tayo nag water therapy din ako,
I feel you momshie, yung tipong feeling mo may halong pako yung poopoo kasi masakit siya paglumalabas talaga. Ngayon mejo naging bearable na, di ko alam if nastretch na yung anus ko or what hahahaha! Pero try mo kainin yung balat ng apple and yung hibla hibla na strings nung banana and yung hibla hibla din nung sa ponkan ๐๐๐ mejo nakatulong siya.
Ang alam ko dahil yan sa vitamins. May inadvise sakin yung doctor ko. May mga vitamins kasi na di pwede pagsabayin kasi nakakatibi daw talaga. Yung calcium and yung ferrous wag pagsabayin. So far totoo nga, kasi minsan kapag nakakalimutan ko talaga uminom sa tamang oras, no choice ako kundi pagsabayin and hindi nga ako madumi agad.
1st trimester ko rin ganyan. Duguan pa lagi. May point na parang ayoko na kumain kase nga ang hirap mag-poop. That time pa naman low lying placenta ni baby so kada may blood napapraning ako di ko alam saan nanggagaling. Buti pagpasok ng 2nd trimester umayos na. Going 6mos na ko now and everyday ako nagpupoop na normal na hehe
i feel u. ganyan na ganyan din ako, pero sabi ng o.b ko, malaki si baby ko kaya na iipit nya ung intestine ko, kaya ung poop ko nahihirapang lumabas. wala namn syang ni-recommend na gamot basta daw kung may time upo lng ako sa bowl ng c.r para kusang lumabas. kaso sa akin ayaw tlga. para 3-4x lang akong mag poop in one week.
na check nba si baby sa ultrasound sound, kung saan sya mas naka siksik. ing akin kase puro bata kaya sisik ung bung laman ng tyan ko, kaya nilabas ko sya 9lbs in 3rd day ko sa hospital dami kong poop.
. . aq 2 beses lang nahirapan na mag poop nong 38weeks peru pagkatapos q manganak ay dios ko, ilang months din aq hirap na hirap mag poop..kaya gulay lang aq lage ng ilang months din kasi takot na aq kumain ng carne.. Peru kahit gulay na aq may kunti parin matigas sa simula peru ok lng basta kunti lng xa..
Try po papayang hinog mamsh super effective po. Saka iwas po tayo sa pag ire kase baka si baby na ung nailalabas natin.. Ako po umaabot ako ng 30mins na nakaupo nanunuod sa youtube para di ako mapaire normal naman daw po ang minsang mahirapan. Try papaya mamsh and more water po.
nangyari sakin yan nung preggy pa ko. so i nadvise ako ng OB ko na uminum ng C-lium 4times a day medjo mahal sya 14pesos isa .lalambot ung poop nyo po. kung ayaw mo naman kasi magastos more water lang at hayaan mong ung jeb na jebs kana ska k pumunta ng cr,hayaan mo lng na kusa k majebs.
yes safe po yan pampalambot ng poof while pregnant kasi yan ung recommend ni ob.di naman sila mag peprescribe ng masama satin. pero kung ayaw mo more water lang and hayaan mo na kusa lumabas ung poof wag pilitin. after ko manganak niresetahan nya ko ulit ng C-lium (para syang powder ihahalo mo lng sa water).
Waaaaah, sobrang feel po kita. Ako naman po nagstart po yan after ko pong manganak. Grabe, ang hirap po ilabas dahil ang tigas at ang laki po ng stool ko. Naiiyak po ako sa sobrang sakit. Minsan ayoko na rin po magpoop kasi di parin po nagbabago itsura ng poop ko. Huhuhuhu.
I feel you. Grabe sobrang sama ng pakiramdam na alam mong andun n yung poops pero ayaw lumabas kase ang tigas at ang lake ๐ญ nakakaiyak na lang. 2 days ko na syang tntry ilabas ayaw pa din. I took duphalac as advised ni OB pero parang d pa umeeffect ๐ญ๐ญ๐ญ
Ayaw ko ng itulot talaga sa sobrang sakit kaso everytime na iinom or kakain ka ayan na nmn sya, parang nghhello na naman sya. Ayaw naman lumabas ๐ญ
RA Basilio