family

hello there momsh. pa advice naman po sana ako kasi di matahimik yung isip ko. yung hubby ko is may anak sa labas (i knew it bago kami ikasal alam din ng mama ko) ngayon nasa poder na ng hubby ko yung bata after 3 years of separation dahil tinangay ng nanay nung maliit pa. ang akin lang hindi sinasabi ng hubby ko saakin kailangan malaman ko pa sa iba. tinanong ko ang hubby ko kung may balak ba syang sabihin sakin ang sagot nya "nagtanong ka ba? Hindi diba? " ang sakit lang sakin momsh asawa nya ako so karapatan kong malaman diba? tsaka nag woworry ako kasi feeling ko mahahati na yung attention nya samin ng baby ko since matagal na di nya nakasama yung anak nya sa pagka binata. at gusto kong mag open up sa mama ko pero di ko alam kung papano ko uumpisahan. pa help naman po ako para maibsan yung worries ko.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Baka hindi na fi feel ni hubby na open kang pag usapan momsh? Baka nag aalangan sya sa kung ano magiging reaksyon mo.,kung ayaw nyang mag open up sayo ikaw nlng ang kusang mkipag usap sa kanya about dun sa bata.,iparamdam mo na suportado mo sya sa isyung yan total naman simula pa lng alam mo na ang tungkol sa bata.,wag mo ring pagselosan ang anak nya, mas dapat mo pa ngang alagaan at sana sikapin mong maging malapit sayo ung bata., May anak din si hubby ko sa pgka binata 2 babae.,super close sila sa min ng anak ko kasi dko sila tinuring na iba.,pag nandito sila sa min hinahayaan ko ring mag bonding silang mag aama.,hanggat maaari lahat ng oras ni hubby nasa kanila pag andito sila.,minsan naman nakikisali ako sa bonding nilang mag aama.,gusto kong maramdaman nilang hindi nila kami kaagaw ng anak ko sa papa nila kahit pa ba kami ang legal na pamilya., At alam mo ba sis MAMA ang itinuro naming tawag ng anak ko sa ex ni hubby.,alam at naiintindihan naman ng anak ko ang sitwasyon., Pag aralan mong mahalin rin ang bata sis at ipag lapit mo rin sila ng anak mo.,that way mas gagaan ang pakiramdam mo at mas magiging open rin si hubby sayo.,right now nalilito lng si hubby mo, naiipit kasi sya sa sitwasyon.,iparamdam mo sa kanya ang suporta at pag unawa mo sis.,ngayon ka nya higit na kailangan😊

Magbasa pa

Di maganda na sabihan mo ung anak nya sa pagkabinata ng anak sa labas just because kasal na kayo ngayon. Di ko alam kung ano ba iniexpect mo nung naging kayo hanggang sa kinasal kayo, na sainyo lang ng anak nyo mapupunta atensyon nya? After all anak nya pa rin yun. Ang nakokonsider ko lang na mali na nagawa ng asawa mo is ung pagsagot nya sayo nung nalaman mong nasa puder nya na yung bata pero ung mangamba ka na baka mahati atensyon nya sa bata at sainyo ng anak nyo is a no no.

Magbasa pa

PYou knew it before your marriage. Meaning, you already accepted the child. Dont be selfish, anak nya rin yun at kailangan ng bata ng kalinga ng ama. Talk to your husband, asawa mo sya e dapat nag uusap kayo. Baka kasi ramdam din ng asawa mo na hindi ka open pag usapan yan kaya pinipili nyang mag decide mag isa. Baka umiiwas sa away. Sana hindi dumating yung panahon na maapi ang bata kasi sa tono mo parang ayaw mo sa kanya.

Magbasa pa

this shouldn't be a problem. Magsalita or hindi yung husband mo. Anak niya yon.. more on like, you should be happy for him na kasama niya ulit yung anak niya and ituring mo rin na parang sayo rin yung bata. This should not bother you as a wife. What would be your reaction if sinabi niya sayo na kasama niyo na yung anak niya sa bahay niyo? Sa tunog mo parang hindi ka natutuwa. Aware ka naman na may anak siya sa iba.

Magbasa pa

sis parang hindi mo naman kailangan makipag kumpetensya sa anak nya. Mas mabuting mahalin mo yung bata as if your own. magpaka nanay ka; alagaan mo at bigyan ng attention katulad ng attention na binibigay mo sa tunay mong anak. Surely, mas ma e in love si hubby sayo kapag nakita nyang minamahal mo yung anak nya. Syempre hindi na sinabi ng hubby mo kasi d nya alam how you will respond.

Magbasa pa

Since alam mo naman mamsh in the first place at nagpakasal kpa din sa knya it mean tanggap mo sya. Kung tanggap mo sya dapat tanggal mo din anu myrun sya in the past. Parang s babae lang yan single mom na nag asawa ng binata. Binubuhay ng lalaki ati ung anak ng babae. Same lang yan sa situation ng husband mo ngaun dpat alagaa mo at mahalin na parang anak mo.

Magbasa pa

Aware ka naman po pala from the start na may anak na sya sa ibang girl. Dadating at dadating ung time na tlgang mahahati oras nya sa mga anak nya momsh. Pagusapan nyo na lang po mabuti kung pano po magiging set up nyo dun sa una nyang anak.

5y ago

Lawakan mo po pang unawa mo sis.,cguro nalilito lng si hubby ngaun at takot sya sa magiging reaksyon mo Iparamdam mo lng sa kanya na handa kang suportahan at unawain sya.,maging open ka rin sa nararamdaman mo at sikapin mong mahalin rin ang bata

Uhm, ang selfish mo naman po. Hati na naman talaga attention niya una pa lang kasi alam mo na may anak na siya. Ang selfish mo naman. Sana maghiwalay kayo tas ganyan din pakiramdam ng bago niyang asawa sa anak mo. Selfish bitch.

VIP Member

Sana po don't be selfish sa unang anak niya. Ayoko gamitin yung term na anak sa labas. Kung naririnig ng bata yan at kung may muwang na siya, masakit yun.

Mas okay na pag usapan nyo pilitin mong iopen up sa hubby mo mas okay ang isang relationship pag konting bagay lang napag uusapan. Try to reach out mumsh.