Bad mom

Hi share ko lang kasi feeling ko sasabog na utak ko kakaisip. feeling ko hindi ako mabuting ina sa anak ko. dont get me wrong,mahal na mahal ko anak ko. masaya ako nung duamting sya sa buhay naming mag asawa ,mahal ako ng asawa ko at masaya kami. pero minsan kasi naiinis ako sa baby ko, yung iyak sya ng iyak minsan parang umuugong sa tenga ko ang sakit sakit. minsan bigla ko na lang sya ibababa, magpapahinga ako sandali tapos titignan ko lang sya habang umiiyak. After non nagsosorry ako sa kanya. hindi ko alam kug bakit ako ganun. nagdadasal naman ako na sana gabayan ako ng diyos para maging mabuting ina. naiiyak ako ayoko ng ganito ako sa anak ko naaawa ako sa kanya.

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi mommy, ganyan din ako minsan, lalo pag pagod na ako, puyat pa, minsan may halong gutom na din. madalas iniisip ko na lang, lalaki din ang mga bata, mamimiss ko sila. dadating ang panahon, hindi na lang sa atin iikot ang mundo nila. may nabasa nga ako, ang sabi ang babies daw hindi nila alam kung ano ang nararamdaman nila, emotionally at kung paano ito ieexpress, like frustrations, pagod, gutom, etc. kaya ang ginagawa nila e umiyak. plus, hindi pa nila kayang kontrolin at iexpress ito ng tama. habaan mo pa ang pasensya mo 👍 ituloy mo lang ang pagdarasal at laging kakausapin si baby.

Magbasa pa