hi mommy, ganyan din ako minsan, lalo pag pagod na ako, puyat pa, minsan may halong gutom na din. madalas iniisip ko na lang, lalaki din ang mga bata, mamimiss ko sila. dadating ang panahon, hindi na lang sa atin iikot ang mundo nila. may nabasa nga ako, ang sabi ang babies daw hindi nila alam kung ano ang nararamdaman nila, emotionally at kung paano ito ieexpress, like frustrations, pagod, gutom, etc. kaya ang ginagawa nila e umiyak. plus, hindi pa nila kayang kontrolin at iexpress ito ng tama. habaan mo pa ang pasensya mo 👍 ituloy mo lang ang pagdarasal at laging kakausapin si baby.
I feel you mommy, ganyan ako minsan pag hindi ko siya mapatahan, ilalapag ko muna then titingnan ko, then bubuhatin ko na din naman. Nasa stage pa kasi tayo na medyo kulang na kulang pa sa tulog, naooverwhelm sa mga dapat gawin etc, nagdadasal din ako for patience lalo na may toddler ako na 3yo, pero sinasabi ko na lang sa sarili ko na si eldest nga nakasurvive ako, eto pa kaya, so aun. Tuloy lang. Malalagpasan mo din yang stage na yan. Take a rest basta may chance nakakatulong din un maclear ung mind mo. 🙏💕
Hi sis! Ganyan din aq nun una aq magkaron ng baby.. lalo na pag kinarga mna ayw pdin tumigil sa pag iyak nakaka asar. Pero after non bgla aq nakokonsensya.. normal lang yan lalo pagod ka sa pag aalaga sa baby mo. Un tipong wla kna break non. Minsan pag maliligo nlng or mg cr nid mo bilisan ksi bla magising baby mo. Pray kkng sis and kung may ksma ka sa bhy kht 2 hours ibigay mo muna pra mkapag pahinga ka pra after non ready kna uli mag alaga sa baby mo... bsta pray klng...
Mommy kna po ndi kna bata dapat mo na po iside yung pagiging bata mo po..being mom is not an easy way po nagiging matured na po dapat tayo at lahat ng bagay dapat iniintindi na ntin maging mapag pasensya lalo na maliit pa c baby kahit ikaw d ka nya maiintindhan kaya dapat lagi ka po ngbabasa ng ng parents guideline pra alam mo po yung gagawin mo sa situation ni baby at sau din po👍🏻😊
gnyan din ako nuon newborn pa si baby. prng nd q alam anu ggwn q pra mapatahimik sya kc iyak ng iyak. ayaw dn na ipapahega kakalagay mo lg sknea iiyak na ganun. i think we are experiencing postpartum blues or depression kpg ganun. in my case i went to therapy and uminom ng pngprelax na gamot and i feel a lot better now and nd na fussy naun si baby at 4 months and mern na sya sleep routine.
pagod ka lang mommy at you need a break. ask your husband to help out. or yung mga ninang ng anak mo, pag weekend, have them babysit. it's time na ang mga ninang ay tumayo talaga as second parents ng inaanak at hindi pang regalo lang. at syempre family niyo. kami dati, every weekend umuuwi sa bahay ng magulang, para lang at least hindi ko na iisipin ang gawaing bahay, kahit just for the weekend.
Ako pag ganyan binibigay ko sa hubby ko si baby. Need natin ng break. Pag nakabawi na ulit ng lakas, kunin ulit si baby. Ask your husband to help out dahil parehas nyo gnwa yan, hindi dahil tayo ang nanay, tayo lang magaalaga kay baby. Partnership yan lalo at newborn nakakaubos ng lakas physically, mentally at emotionally. Super nakakadrain.
I feel you mommy. 😢 Ganyan din ako, nakakaiyak. Lalo pag masakit yung ulo ko kasi gabi gabi puyat tapos ayaw niya tumahan, minsan parang ang sarap ihagis. Kaya ang ginagawa ko na lang kakain ako ng biscuit para kumalma nang konti tapos pag ok na ko saka ko na siya kukunin ulit tsaka kakausap kausapin.
Ganyan din ako nung newborn pa si baby ko..halos lagi ko sya sinisigawan kapag auaw pa matukog or iyak sya ng iyak, tapos kapag nakatulog na sya saka ako magsisisi sa ginawa ko at maiiyak nalang ako.. Postpartum Depression yan, dapat meron kang kasama or alalay sa pag-alaga kay baby mo..
Post partum depression yan sis. Dont be afraid to talk to your loved ones. Now is the time that you need them the most. There is nothing wrong with you, you just have to seek help. If gusto mo ng professional help alam ko kay libreng consultation sa PGH.
Anonymous