βœ•

89 Replies

VIP Member

Nalaman kong ready na akong mag settle down noong unti unti kong napapansin na ang mga binibili kong mga pangunahing bagay ay hindi na pala para sa aking mga personal na pangangailangan kundi sa pamilya ko. Napansin ko ito noong ang mga binibili ko ay mga gamit sa bahay at maintenance ng mga magulang ko at hindi na beauty products. At napatunayan kong ready na ako ngayong may sarili na akong pamilya kasi masaya akong mag "add to cart" ng lahat ng baby essentials and no other. Ang tanging para sa akin lang ay maternity undies at pang kilay!

VIP Member

you'll never know when. but you will feel it when the time is right. samin ni hubby, we've in relationship way back 2013 but then it ended soon. but that time, I said to myself na if our relationship will last sya na talaga kaso our relationship was put into trial. halos lahat naman ganun nangyari, mag hihiwalay. then I never thought of magkakabalikan kami after 6 years of no communication at all. I prayed to God and we even talked about it over and over. Tapos ayun after 2 years in relationship, we got married and had a baby 😊

Hindi ko actually nalaman naramdaman ko na lang na okay na ang lahat at nakasettle na ako lalo na ng dumating na si baby samin ilang beses kami muntik maghiwalay pero pinipilit kami ng tadhana nung time na feeling ko malapit na matapos ng relasyon namin biglang dumating si baby and we realized binigay ni God ito para makeep namin ng isap2x. Pinakamaganda dun sabay namin yun narealized nung nag deep talk kami settle na kami matagal na hindi pa lang namin maintindihan pero ngayon sobrang naiintindihan na namin. Thank God πŸ™

VIP Member

ipinagdasal ko talaga siya, hiningi ko talaga siya kay Lord eh. nun hsch palang ako madalas ako managinip ng lalaki na niyayakap ako. nun 1sttime na nayakap ko sya, biglang pumasok sa isip ko un lalaki sa panaginip ko. dejavu!! ung init nang yakap ng lalaki sa panaginip ko, ganun din ung init na naramdaman ko sa kanya. minsan na kaming naghiwalay, pinaubaya ko na kay Lord ang lahat. after 6months of break up, nagkita ulit kami at ayun kami na ulit. 2006 nagsimula na ang relasyon namin. going stronger!!!

Mag bf gf kami for 6yrs bago kasal.. 3yrs na kami ngayon.. Before wedding nag uusap nmn kami about future nag iipon din kami, bumili kami ng bahay before wedding.. I realized na its tine to settle down kasi my parents were strict so as bfgf di kami pwede magsama overnight or mag bakasyon na solo kami.. Kaya gusto ko n tlaga ikasal nun para makasama ko na sya everyday allday 😊 we were 27 y.o nun so asa edad natin, stable ang career and financial namin

I was ready to have a child even if wala si hubby. I dated men and had relationship with few but not of them made me wanna have a family, until hubby. It tookus few weeks to realize we want each other, even then we did not plan on having kids yet but our SO came unexpectedly. Nevertheless, we told ourselves that we were ready even if we thought we were not because nothing will come to your life if the maker thought you are not yet ready.

1year palang kami mag kasintahan palagay na loob ko sa kanya. May usapan pa kmi ng partner ko na 5years lang kontrata papakasal na kami πŸ˜†kaso sumobra naging 6yrs dahil nag abroad sya. Kahit nung mga ilang taon palang kami ready na ko at decided na sya na talaga. Yung bulsa nalang namin ang di pa ready 🀣 kaya nung stable na kami pareho dun na talaga nag decide na papakasal na. buti bago lumaganap si covid eh nakasal na kami 😁

I know because handa na akong panindigan yung mga decisions ko sa buhay. Hindi ko na naisip yung fears and pagsisisi (if meron man). Also, submit na yung sarili ko sa husband ko. But thank God from the start I settled down until now na pregnant ako wala ako pinagsisihan because God gave me a man more than what I asked for. You need to first settle down to God and I think this is enough to say na nag grow ako as a person.

TapFluencer

Basta naramdaman ko na lang at nasabi ko na itong lalaki na ito ang mapapangasawa ko kahit di ko sya bf. actually kala ko nga nagpapalakad sa sa bff ko yun pala ako pala talaga kinikilala nya. tapos basta naisipan na lang namin na mag secret marriage ayun eto 19 yrs Happily Married ako sa asawa kong si Ramoncito StaClara 😊😊😊 iba talaga pag si God ang nagparamdam syo kung sya na ba ang tamang tao sa buhay mo.

Actually, I prayed for it... Na realize ko na lang na I am ready to settle down... Me and my partner were engaged 5years ago... Dati, parang wala lang sa akin whenever he talks about marriage... pero ngayon, we planned for it... and I can say that I am physically and mentally ready to settle down dahil nakakasiguro na ako sa magiging partner ko habangbuhay.😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles