Antibiotic

Safe po ba uminom nito pag buntis? 15 weeks preggy po. Nireseta kasi to sakin sa center kasi po sumasakit puson ko. Naninigas sya tas masakit. Parang natatamaan na di ko maintindihan. Tas eto po binigay. Ayaw painom sakin ng mama ko kasi di daw ako pwede mag antibiotic. Mababa din po kasi matres ko. Di ko alam anong gagawin ko. Sabi sa center parang mahuhulog na yung baby. ?? Edit: sa ihi daw po pala to kaya binigay sakin pero sobrang liit lang daw po ng infection, madadaan po sa tubig. Di naman po ako hirap umihi, ang masakit po talaga sakin baby bump ko pero hindi po ako binigyan pampakapit.

Antibiotic
71 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hala wag. mas maige sa ob ka magpunta wag sa center para maresetahan ka ng gamot talaga na para sa buntis at pati pampakapit ng maultrasound ka na din ng masilip ung kalagayan ng baby mo