Tanong lang po

Nag pacheck po ako ng ihi ko sa center dahil masakit ang balakang ko, tapos nung nabigay ko na po result sa doctor tanong nya po sakin kung buntis ako, sabi ko po hindi. Kasi nag pt naman po ako ng ilang beses pero negative, 3buwan na po ako di dinadatnan. Nagpacheck po ako ihi sa center kasi baka po UTI yung sa pagsakit ng balakang ko. Nakikita po ba sa ginawang laboratory ng ihi kapag buntis ka po? Pero ilang beses naman po ako nag PT negative naman po. Baka po may same case po dito, nastress na po ako kakaisip, wala pa po kasing pangpacheck up. Papacheck lang sana ako kung may infection ako e tas ganon po bigla tanong sakin ng doctor😢 di nya daw po ako bibigyan ng antibiotic hanggat di ako nakakapaf pacheck up, may nakita daw po kasi sya sa result ko, and di po sya nagtanong ng kahit ano, like kung delayed po ba ako o ano man. Ang tanong nya po agad sakin kung buntis ako🥺 6years na din pong TTC

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

try mu mi sa barangay health center para mabigyan kah ng request for trans v if ndi kaya sa ob mismo, may mga midwife namn po sa health center. bale trans v nalang babayaran nyo. pra if preggy kau saka kau deretso sa ob para sa mga gamot na pwd nyo itake.

that's a protocol kasi need nila malaman kung pregnant before doing anything. bukod na request po sa lab ang pregnancy test.

TapFluencer

maaaring tanong lang un ng doctor just in case magbibigay sya antibiotic na safe sa preggy po.