Kakapit paba???

Sa twing inaaway ako ng asawa ko dahil sa simpleng bagay lang nakikipag hiwalay n sya diko alam kung mahal nya ba tlaga ako o pinapakisamahan nalang dahil sa baby namin gusto ko na dn sana makipay hiwalay total gusto nya lang naman magka anak.. Parehas kaming pagod pero iniintindi ko naman sya pero sya sinabihan nya ako na wala daw syang panahon para intindihin ako.. Hayyyy kaka stress..

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Maging handa ka sa kung ano man ang kahihinatnan niyong mag-asawa. Tandaan, may bata o mga batang maapektuhan, planuhin at isipin kung paano mo mapprotektahan ang karapatan niyo ng mga anak mo, lalo sa pinansyal na suporta. Pero habang magkasama pa kayo ng asawa mo, maglaan ng oras para makapag-usap ng maigi. Kung kinakailangan niyo ng mamamagitan, magpa-couples therapy. Mainam na isama mo sa dasal mo ang asawa mo para magkaroon kayo ng guidance at proteksyon ni Lord. Maging mahinahon sa bawat desisyon.

Magbasa pa