work

Sa sobrang tagtag ko sa byahe ( motor) at halos 6hrs nakaupo, muntik ako makunan kung di pa ko nagpacheck up. Need bedrest at pampakapit. Bumubuka daw kasi cervix ko at gusto ng lumabas ng baby. Ask ko lang, kapag ba sinabe ni OB na okay na free to work na ulet kahit ganon pa din ang sistema ( tagtag sa byahe 6hrs nakaupo or more ) may chance ba na bumuka ulet crrvix ko? At matuluyan malaglag baby ko? ? I need advice please. Sa katapusan pa kasi check up ko. Gusto ko na bumalik sa work kasi hirap na si hubby sa pagbubudget at di naman ganon kalaki sahod nya. ? Ps. 6hrs po nakaupo sa work hindi po sa motor. Pero pagpauwe at papunta nakamotor po kame

32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy ako 3months plng tummy ko pinahinto na ko ng ob ko sa work.. Na sick leave ako sa work.. Bale ang ginagawa ko every month nagsesend ako ng sickness notification form sa hr namin para my sweldo pa rin ako every month.. Bayad nmn ng sss un kaya follow mo nlng ung ob mo.. Mahirap na po, manigurado k nlng po..

Magbasa pa