Overly Dependent Family

Pa rant lang ako konti. Si LIP kasi ang panganay na anak sa kanilang tatlong magkakapatid. Wala na ang father niya. Ang mother naman eh papalit palit ng boyfriend mula nang na byuda. Tita ni LIP ang nagsupport sa kanya financially hanggang college. Mula nang magwork si LIP (even before kami magkakilala), siya naman sumusuporta sa nanay at kapatid na pangalawa. Yung nanay, naiintindihan ko kasi wala nang ibang aasahan, wala rin namang trabaho. Pero yung kapatid eh may asawa at dalawang anak na. Yung tita na nagsupport kay LIP, monthly din na nagpapadala sa kapatid ng 5K. May trabaho rin naman ang asawa pero madalas pa rin manghingi ng pera kay LIP. Madalas pang ginagamit ang mga anak, "Tito, pengeng pang Jollibee." Yung bunsong kapatid na lang ang hindi umaasa sa kuya dahil kahit senior high pa lang, marunong dumiskarte at may ibang sumusuportang kapamilya. Ngayong may anak na kami ni LIP, akala ko naman kung mahihiya silang manghingi lalo na at same kaming nag slow down ang work dahil sa COVID. Pero hindi, hingi pa rin. Nagagalit pa kung hindi binibigyan. Nanghingi pa ng cellphone! Recently, naospital ang asawa ng kapatid ni LIP. Kinailangan operahan sa bituka. Wala na nga silang enough na budget, nagpaadmit pa rin sa private hospital, private room pa. Tapos malalaman ko na wala rin silang Philhealth na mag asawa. Todo makaawa sila sa FB, nanghihingi ng pera kung kanikanino. inoobliga pa nilang magbigay si LIP kahit alam nilang tight din budget namin ngayon dahil may mga need din na gamot si LO. Hanggang saan ang obligasyong tumulong sa kapamilyang pala asa? May karapatan ba akong mainis or wala?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

may pamilya na sila so dapat kanilang diskarte na. ang kuya support na lang sya kung emergency. pero kung ultimo mga wants nila eh ipapasagot pa sa kuya iba na un! dapat si kuya nagbbigay ng limitasyon kasi may sarili na din syang binubuhay. nasanay kasi sila eh. dapat pag sabihan sila ng maayos.