English speaking kids

Sa mga parents na may english speaking kids, against ba sa inyo inlaws/relatives nyo regarding sa pagpapalaki nyo sa kids nyo? Like yung pagiging english speaking nila. Against ba sila na maging english speaking kids nyo? Sakin kasi, english speaking yung anak ko. And against sila sa ganon. Lagi nila pinapakita/sinasabi na mali yun.

29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

For me po okay lang na natututo ang bata ng foreign language, wala pong mali don. Nagiging mali po siguro kapag foreign language lang ang alam ng bata at hindi marunong mag Filipino/Tagalog/ mother tongue ng parents. Based po kasi sa observation ko sa mga pamangkin at pinsan ko na lumaking English ang naging first language, sobrang nahirapan po silang makipagcommunicate at makipagsocialize sa ibang bata kasi either di sila naiintindihan or di nila naiintidihan. Napansin kong nakaapekto yun sa bata kasi nahirapan siya makahanap ng friends while lumalaki. So for me po, walang mali na maging English speaking sila pero dapat marunong din sila ng language ng mga taong nakapaligid sa kanya. Since bata pa naman po sila, they can manage to be bilingual/multi-lingual naman kasi madali silang matuto. Sana nakatulong 🙂

Magbasa pa