Paano mag-set ng boundaries sa in-laws and sa parents?

Sa mga mommies po diyan na nakatira sa in-laws/parents, paano ninyo na-set yung boundaries ninyo with them with regards to parenting style? Manganganak na ako next month kaya as early as now, gusto sana namin iparating sa kanila na may limits pagdating kay baby. Alam kong baka bumukod agad sagot ninyo, pero sa panahon ngayon kasi mas makakatipid talaga kami ni mister kung dito muna kami sa bahay. #advicepls #firsttimemom #firstbaby

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa totoo lang, mas maganda talaga bumukod habang wala pang away na nangyayari between all of you- ikaw, si husband, parents, and in laws. Mas maganda humiwalay na kayo habang peaceful pa ang lahat. Sa una mahirap lalo na sa pag budget, lalo ang mamahal ng rent ngayon. Pero iba talaga ang peace of mind kapag alam mong ikaw ang reyna ng bahay. Minsan kasi kahit kausapin pa natin sila, dahil sila ang may-ari ng bahay, wala tayong magagawa. Lalo na since iba talaga ang old school na way ng pagpapalaki sa baby. Kahit nga kami na nakabukod na, madami pa din silang say. Though I know naman concern lang din sila sa po nila, pero iba na kasi ngayon. Tulad sa MIL ko, very much against sa mga pa-ultrasound and iba pang mga advise ng OB namin. Ineexplain nalang din talaga namin in a way na maintindihan nila na need ni baby yun. Pero if talagang hindi kaya bumukod, learn to speak nalang din in a very respectful way. Asahan mo na ang mga misunderstandings and pag aralan mo na pano ihandle yung conflicts. Be strong and firm if alam mong tama naman ang ginagawa mo. You also have to compromise sometimes sa mga gusto nila. Try your best to be patient, and kayo dapat ni husband mo ang magkakampi always.

Magbasa pa

No chance momsh, as long as nkatira ka with them madaling isipin pero mahirap gawin.. dito ako nkatira sa mga in laws ko, kasi tama ka malaking tipid kaso ngalang with regards sa anak mo.. pag kinontra mo MIL mo paniguradong away, lagi kami may samaan ng loob noong una, kaya nung nag 1yr old si LO ko, hinayaan ko nlang.. ang msakit ngalang prang lagi ako may kahati kay LO, anjan si MIL at si SIL na walang anak, ang msaklap siya pa yung feeling nanay minsan pagmay sakit si LO sakin pa nagbibilin ng gagawin ko, oras ng pag papainum ng gamot, wag daw pakainin ng matamis etc. Na gusto kong sagutin ng "ako ang magulang kaya alam ko kung anong dapat kong gawin" kaso out of pag galang nalng saknila shut up nlang ako.. nakkainis na pero wala kang mgagawa kasi nkatira ka saknila.. kpag nmn dun ka sa parent mo tumira mas magiging ok ka, kasi di ka maiilang kausapin mama mo, tsaka mas magaan sa loob pag siya nagsabi sayo ng kung ano ang dapat mong gawin.. kaya mas ok kung dun ka nlang sa parent mo, yun ngalang eh kung ok nmn sa hubby mo

Magbasa pa

noon wala pa kami anak nakatira kami sa in laws ko, c FIL ang may sinasabi sa mother ko n kesyo ang taray taray ko daw lgi ko daw inaaway anak nya kaya sabi ng nanay ko "ay oo mataray yan anak ko kaht tatay nya tinatarayan" kaya di n naulit pagsusumbong ng fil ko sa nanay ko kc sa totoo nmn n mataray ako pero ang hindi ko magets hindi nmn ako nagtataray sa harapan nila at di ko nmn inaaway anak nila na walang dahilan pero nun magkawork na si hubby d2 sa laguna xempre dahil wala kmi bahay d2 at pareho kami taga quezon kaya nakabukod na kami yun nga lang nun nagkawork c fil d2 sa laguna sa amin nmn nakitira pati sil ko at kapag nagbabakasyon lahat sila sa amin sila natuloy nakikitulog pero sa isang hipag ko nmn sila nakikikain kc ilang blocks lang lau nmin mas malaki kc un naupahan nmin n bahay kesa sa sil ko kaya sa amin sila natuloy ang ending may pinakikisamahan pa rin ako n in laws

Magbasa pa

The best pa rin po talaga ang bumukod, nakakapagod ang makisama, kahit sa sarili mong magulang. Anyways, to answer your question, lots of patience and understanding po ang kailangan. Know that their unsolicited advices (aka pakikialam) are most probably coming from a place of love and concern. Pero it doesn't mean na susunod ka na lang sa lahat ng gusto nila. Proper communication is important. Share them your thoughts and educate them in a calm and kind way-- if this doesn't work, then know that being aggressive will not be effective either. IF YOU NEED TO CHOOSE BETWEEN BEING RIGHT OR BEING KIND, CHOOSE TO BE KIND. Of course you don't need to compromise what you believe to be right for your family but you have to BE FIRM WITHOUT BEING RUDE. In the end, if you really want a healthy relationship with them, it really just boils down to PAKIKISAMA-- kaya nakakapagod talaga.

Magbasa pa

Mamsh pakinggan mo po itong youtube playlist nila Maricar at Richard poon: https://youtube.com/playlist?list=PL5OX1sFL7635IMHrZSQEZulCFZWea8ZEM Mamsh! Kami nakikitira kami since kinasal at hanggang lumabas ang baby ko, going 4 mos na ang baby ko. Pero nako, if di ka bubukod, ngayon palang kailangan mo matutunan mag taingang kawali! Kasi hindi makikinig sayo ang in laws or kahit pa parents mo parati since sila ang reyna/hari ng bahay dahil nakikitira ka lang. Nasa parents kami ni hubby tapos lumipat kami samin since nagkgulo kami sa pera, and as of now gusto ko padin talaga bumukod. Pero ayun if di ka bubukod labas nalang sa kabilang tenga mga sasabihin nila at matinding pakikisama nalang. Naranasan ko pa nag tantrums ang MIL ko kasi disya nasunod, legit yan hahaha. Bukod is the key parin at the end. Dahil di mababayaran ng pera ang peace of mind.

Magbasa pa
2y ago

Naalala ko ang mil ko, opinion lang naman daw ung mga sinasabi, like kesyo masasanay sa buhat sanayin sa ingay, pati buhat sa bata pinakialaman. Nung di nasunod umiyak oarang tanga. Tas kahit sa pera parang sinisilip sahod namen. Tas nung andito na kami sa amin, sanayin ko daw sa ingay, sinasadya pa ng nanay ko ilagabag ang pinto para daw masanay sa ingay, aba parang tanga diba. Tas naiistress na anak ko nagssigaw kasi gusto na magpabuhat dahil sa pagkakadapa, pinipigilan ako ng nanay ko hayaan ko daw 😂 Yung totoo? Anak nyo yarn?

VIP Member

Hello. 3 years na ako dito sa inlaws ko plan namin bumukod this year. Anyway, kahit anong gawin mo kung pakialamera/pakialamero sila wala talagang boundaries. Unless yung inlaws mo hindi ganon, well baka may pag-asa. SKL. At first ako nagha-handle sa mga issues. Hanggang sa di ko kinaya, nagaway kami. Gusto ko na bumukod nuon kaso ayaw ng husband ko kasi Akala niya titigil na sila since "ayaw ng fami niya ng nagaaway sa loob ng bahay" pero ayun pala hindi matapos tapos issues nila. Husband ko na pinapaghandle ko sa family niya after nung away, ayun, stress na stress siya. Siya na mismo gustong bumukod 😅 1 lang mapapayo ko sayo, let your husband handle his family. Siya dapat ang manguna sa pagseset ng boundaries since family niya ang pinakikisamahan niyo. Mas alam niya paano ihandle family niya kesa sayo.

Magbasa pa
2y ago

Mahirap makisama sa in laws, jusq. Yung partner ko naman mamas boy, kung ano sasabihin ko, sasabihin din sa nanay niya sa sobrang transparent niya sa nanay niya ayun nagaway away na kami. Biruin mo dahil sa peanut butter lang, buntis ako nun tapos cravings ko kase yung peanut butter so nung nakita ko na linantakan nila yung pagkain ko nabadtrip talaga ako kaya yung partner ko yung binungangaan ko kase diko naman maderetso pamilya nya nakakahiya naman. tapos ayun sinabihan niya nanay niya edi boom

yun lang naman kase sis ang way para di ka pakilaman sa pagiging parent mo. unless tiisin mo mga sasabihin nila sayo kase ginaguide ka nila. tsaka mahirap sabihan mga ganyan kase para sakanila guidance yun sainyo as new parents at di kaagad nila maiintindihan na may kanya kanya tayong parenting styles. kase kahit sabihin mo na para makatipid, mahirap ang di nakabukod. since di kayo nakabukod, pag usapan niyo nalang ng mister mo paano niyo iaaccept yung masasabi sainyo ng parents/in laws niyo. tsaka mas okay bumukod kahit mahirap. dun din naman kayo papunta ng partner mo sa pagbubukod unless magsstay kayo sa ganyang sistema😅 pag ngayon kayo bumukod mahirap man pero mattrained na kayo ng partner mo as family talaga na walang nakikialam sainyo sa maraming bagay. tsaka syempre privacy narin.

Magbasa pa

honestly po, mahirap magset ng boundaries lalo kung nakikitira po kayo sa inlaws/parents. baka masabihan pa na di marunong makisama lalo kungbdi mo po kabisado ang takbo ng isip nila, di nyo mapipigilan kasi yan. although pwedeng may restrictions lang like wag hawakan/halikan/ipaalam muna sayo kung hihuramin si baby.. kungbkaya ng loob mo.na mging "strict" like "my baby, my rules" edi okay yun pero kung nagaalangan po best pa rin talaga ay yung magusap kayo magasawa at bumukod kahit maliit na bahay lang..mahirao makituluyan sa inlaws or kahit sa magukang mo pa..

Magbasa pa

Nandito kame ng partner ko sa bahay nila kase 2 na lang sila ng mama nya na magkasama sa buhay. Una pa lang sinabi ko na sa partner ka na when it comes to parenting our child, dapat kaming dalawa ang masusunod. And pag sinabi kong hindi, hindi. Hindi naman sa wala akong respeto sa mother ng partner ko its just that iba kase talaga pag lola and first time nya pa magkaka apo. Naiintindihan naman nya. Communication isa the key lang talaga, mommy 😊

Magbasa pa

Hindi ako nakatira sa mother-in-law ko, pero minsan doon kami natutulog. Kay hubby ko sinasabi ung concerns/issues ko para siya kumausap sa mother niya. Bahala siya sa nanay niya, kasi kung hindi, kami mag-aaway (half char 😂😂) But seriously, mahirap din ganyan situation kasi kailangan mong makisama. Communication is the key. If open naman sila, then talk to them. If feeling mo baka ma-offend, padaan mo na lang din kay hubby mo hehe

Magbasa pa