Paano mag-set ng boundaries sa in-laws and sa parents?

Sa mga mommies po diyan na nakatira sa in-laws/parents, paano ninyo na-set yung boundaries ninyo with them with regards to parenting style? Manganganak na ako next month kaya as early as now, gusto sana namin iparating sa kanila na may limits pagdating kay baby. Alam kong baka bumukod agad sagot ninyo, pero sa panahon ngayon kasi mas makakatipid talaga kami ni mister kung dito muna kami sa bahay. #advicepls #firsttimemom #firstbaby

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi ako nakatira sa mother-in-law ko, pero minsan doon kami natutulog. Kay hubby ko sinasabi ung concerns/issues ko para siya kumausap sa mother niya. Bahala siya sa nanay niya, kasi kung hindi, kami mag-aaway (half char 😂😂) But seriously, mahirap din ganyan situation kasi kailangan mong makisama. Communication is the key. If open naman sila, then talk to them. If feeling mo baka ma-offend, padaan mo na lang din kay hubby mo hehe

Magbasa pa