Paano mag-set ng boundaries sa in-laws and sa parents?

Sa mga mommies po diyan na nakatira sa in-laws/parents, paano ninyo na-set yung boundaries ninyo with them with regards to parenting style? Manganganak na ako next month kaya as early as now, gusto sana namin iparating sa kanila na may limits pagdating kay baby. Alam kong baka bumukod agad sagot ninyo, pero sa panahon ngayon kasi mas makakatipid talaga kami ni mister kung dito muna kami sa bahay. #advicepls #firsttimemom #firstbaby

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa totoo lang, mas maganda talaga bumukod habang wala pang away na nangyayari between all of you- ikaw, si husband, parents, and in laws. Mas maganda humiwalay na kayo habang peaceful pa ang lahat. Sa una mahirap lalo na sa pag budget, lalo ang mamahal ng rent ngayon. Pero iba talaga ang peace of mind kapag alam mong ikaw ang reyna ng bahay. Minsan kasi kahit kausapin pa natin sila, dahil sila ang may-ari ng bahay, wala tayong magagawa. Lalo na since iba talaga ang old school na way ng pagpapalaki sa baby. Kahit nga kami na nakabukod na, madami pa din silang say. Though I know naman concern lang din sila sa po nila, pero iba na kasi ngayon. Tulad sa MIL ko, very much against sa mga pa-ultrasound and iba pang mga advise ng OB namin. Ineexplain nalang din talaga namin in a way na maintindihan nila na need ni baby yun. Pero if talagang hindi kaya bumukod, learn to speak nalang din in a very respectful way. Asahan mo na ang mga misunderstandings and pag aralan mo na pano ihandle yung conflicts. Be strong and firm if alam mong tama naman ang ginagawa mo. You also have to compromise sometimes sa mga gusto nila. Try your best to be patient, and kayo dapat ni husband mo ang magkakampi always.

Magbasa pa