Paano mag-set ng boundaries sa in-laws and sa parents?

Sa mga mommies po diyan na nakatira sa in-laws/parents, paano ninyo na-set yung boundaries ninyo with them with regards to parenting style? Manganganak na ako next month kaya as early as now, gusto sana namin iparating sa kanila na may limits pagdating kay baby. Alam kong baka bumukod agad sagot ninyo, pero sa panahon ngayon kasi mas makakatipid talaga kami ni mister kung dito muna kami sa bahay. #advicepls #firsttimemom #firstbaby

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mamsh pakinggan mo po itong youtube playlist nila Maricar at Richard poon: https://youtube.com/playlist?list=PL5OX1sFL7635IMHrZSQEZulCFZWea8ZEM Mamsh! Kami nakikitira kami since kinasal at hanggang lumabas ang baby ko, going 4 mos na ang baby ko. Pero nako, if di ka bubukod, ngayon palang kailangan mo matutunan mag taingang kawali! Kasi hindi makikinig sayo ang in laws or kahit pa parents mo parati since sila ang reyna/hari ng bahay dahil nakikitira ka lang. Nasa parents kami ni hubby tapos lumipat kami samin since nagkgulo kami sa pera, and as of now gusto ko padin talaga bumukod. Pero ayun if di ka bubukod labas nalang sa kabilang tenga mga sasabihin nila at matinding pakikisama nalang. Naranasan ko pa nag tantrums ang MIL ko kasi disya nasunod, legit yan hahaha. Bukod is the key parin at the end. Dahil di mababayaran ng pera ang peace of mind.

Magbasa pa
1y ago

Naalala ko ang mil ko, opinion lang naman daw ung mga sinasabi, like kesyo masasanay sa buhat sanayin sa ingay, pati buhat sa bata pinakialaman. Nung di nasunod umiyak oarang tanga. Tas kahit sa pera parang sinisilip sahod namen. Tas nung andito na kami sa amin, sanayin ko daw sa ingay, sinasadya pa ng nanay ko ilagabag ang pinto para daw masanay sa ingay, aba parang tanga diba. Tas naiistress na anak ko nagssigaw kasi gusto na magpabuhat dahil sa pagkakadapa, pinipigilan ako ng nanay ko hayaan ko daw πŸ˜‚ Yung totoo? Anak nyo yarn?