MAS SAKITIN PO BA ANG BABY KAPAG HINDI BREASTFED?
Respect lang po tayo sa comments section please. Di po kasi ako mentally okay mag breastfeed. Maaga ako bumalik sa work kasi need ng pera. Di kaya ng katawan ko yung puyat sa pag breastfeed ni baby kahit naka side-lying, tapos trabaho na ako sa umaga. Yung oras nga nag pump ako ng milk, tinutulog ko nalang tsaka yung auntie ni partner nalang ang nagpapa tulog kay baby and bottle feed. Nakakaiyak lang isipin na sinabihan ako mas prone sa sakit si baby kapag hindi breastfed. Di pa ako physically and mentally ready mag pump ulit. Umiiyak ako sa pagod (dala na rin siguro ng anxiety ko) kahit andyan si partner palagi tumutulong. Ano thoughts nyo po? Para sa peace of mind ko nalang din po. Hays.
Ang mahalaga lang po mommy ay maibigay natin ang Best kay baby... Formula man or Breastmilk as long as naibibigay natin sakanila ay ok po yun❤️ at totoo po yun yung ippump mo nalang itulog mo nalang para yan sa health mo mi.. ang totoo pro BF ako at EBF 14months at ang Depression ko naman ay yung hindi ako makapagpa susu kaya pushed ko talaga yun kasi eto ang choice ko bilang nanay.. at hindi rin ako nag pump. Yun ippump ko nalang isusu nalang ni baby kasi nakakapagod naman talaga at tumigil naman ako sa work kaya anytime unli latch si baby.. Pero hindi ako against sa mga mommies na binibigay nila ay formula milk.. choice Yun ng bawat nanay kung Anu ang kaya ibigay .. ang mahalaga Happy at nasusuportahan ang kelangan ng baby.. huwag po kayo makikinig sa sasabihin ng iba at pilitin ang sarili kung hindi naman po kaya mi.. alagaan mo sarili mo physically at mentally... lahat hindi madali.. as long as masaya ka at si baby Yun ang pinaka mahalaga... Tandaan mo Isa kang mabuting Nanay.. at hindi din magiging sakitin si baby dahil naaalagaan ng maayos🥰 btw Happy Mother's day💐❤️
Magbasa paPlease alagaan mo po mental health mo, magpahinga ka muna. Hindi po yan totoo. Yung colustrom po (ito yung milk produced sa 1st month pgkalabas ni baby) ito yung importante kasi ito yung may maternal immunity or antibodies that will protect your baby for the mean time, kaya nga may vaccines kasi as the baby grow mawawala din yung maternal immunity from colustrum. Also, as the breast milk mature same nlang po ito sa mga formula milk. Lahat ng tao may sasabihin talaga, e judge ka, mga taong feeling may alam wala nman ambag sa buhay natin. You're doing great momshie hindi po madali ang maging ina.
Magbasa pathank you sa info po. 🙏🏼
bat aq sa formula lumaki. Naadmit lng aq sa ospital mung manganganak n ko. c bb q pure breastfeed sya kaso sabi pediia mbgal mg gain c bb q ngtaka aq e unli latch sya.ng decide aq mg mix feed kaso hrap q mpdede sa Bottle dhl ncoconfuse c bb sa nipple naiyak aq gusto q ebf. pero wala d kya c bb q minsan 4-5daus bgo tumae same dn sabi ng pedia bka kulng nmimilk nya saakn . tsaka hnd maiuwasan n mgkasakit c bb e bb q: ngtae sya ngka sipon ubo bb pa antibiotics n cia agad😥😥😥😥
Magbasa panot true at all momsh..wag ka mastress...hayaan mo mga judger na yan..baby ko naka formula din... pero hndi sakitin.. almost 2 years na siya peri sa awa ng Dyos isang beses pa lng sya nagkasakit...sa pag iingat lng tlaga yan..at sa mga pinapakain kay baby pag nagstart na sya kumain...make sure complete din bakuna..syempre may covid pa din kaya iwas iwas sa matataong lugar...you can prove them wrong
Magbasa pagood to know po. Thank you! Keep safe kayo always ni baby mo 🫶🏼
as long as your baby's needs are met, whatever works for you is fine. marami talagang tao ang kukuda and we cannot stop everyone, pero what we can do is let go of whatever they say para sa peace natin. just remember na formula milk is there for a reason. follow strictly lang ang ratio and if pedia recommended yung milk, you are good .
Magbasa pathank you po! Opo, si pedia po yung nag recommend ng milk ni baby. 🙏🏼
Ang sakit kung dadapuan ka talaga wala tayong magagawa. sample ng covid, kahit ang iba naka ilang booster na tinamaan padin. ganun din po sa BM magkakasakit din po ang mga baby kahit BM ang pinapainom, meron ako alam EBF sya pero ang baby nya 6months pa lang naka ilang beses na sya nagkasipon dahil din sa allergy. Just saying po
Magbasa pakawawa naman si baby :( thanks for sharing po. 🙏🏼
ung panganay ko 2 yrs old na bottle feed sya. At Hindi sya sakitin since nb sya gang ngaun. ngkaskit lng sya Nung 3 mos sya gawa Nung buntis ako sa knya nagkauti ako prang nhwa ko sya gnun. Un. lng . Hindi sya sakitin,hyper,malikot at makulit. Kaya d ako naniniwla na pag Hindi breastfeed sakitin
thank you po! 🙏🏼
your feelings are all valid po my, okay lang din po na formula fed si baby tho may nutrients and anti bodies po na nakukuha si baby sa breastfeed but that doesn't mean na magiging sakitin po ang baby ninyo. basta po naaalagaan si baby mabuti, hindi po siya magiging sakitin. ❤️
thank you po 🙏🏼
Mas maganda talaga ang bfeed madaming nutrients and less sakitin talaga ang bata kapag bfeed. Pero kung hnd kaya pwede ka nmn po mag formula adk ka kay pedia ano maganda para kay baby and vitamins niya. Para hnd kayo mag worry 🥰
hindi rin po, bf ako 2weeks palang baby ko sinipon na depende din kase sa paligid natin yan
sana okay na si baby mo. Thanks for sharing po. 🙏🏼