Mas mataba po ba yung baby kapag naka formula or kapag pure breastfed?

Hello, mommies! Respeto lang sa comments po ha. 🫶🏼 Mas tataba po ba so baby kapag formula or kapag pure breastfed? May nakapagsabi kasi sa partner ko na mas mataba yung baby kapag fomula milk kasi mataas sugar content. Formula kasi si baby ko and takot ako tumaba sya ng tumaba baka may risk sa health at an early age. Pa #advicepls #FTM #firstbaby #firsttimemom #respect_post

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

both. depende kasi yan sa baby. may tabaing baby, may hindi pero parehong healthy at di sakitin .either bf or formula same na same lang nagbibigay ng nutrition sa baby. baby ko ang taba taba ngayon pero 7weeks pa lang, never pa nagkaaipon o ubo ebf. yung pamangkin ko di ganun kataba, saktong laki lang pero masigla at di rin sakitin, formula fed naman. formula fed baby ako nun bata ako as per my mom, pero okay ang health ko, never oa ko nahospital dahil sa sakit, normal ang blood sugar ko, cholesterol, di ako sipunin o ubuhin at lagnatin. so as long as di sakitin si baby at masigla (di porke mataba healthy na kasi o di porke payat e sakitin na) okay lang yan.. pero syempre kung may breastmilk naman na mapapadede why not breastmilk na lang ang iprioritize ibigay. di ba.

Magbasa pa

Dipende po,meron yung mga bby na hiyang sa gatas kaya tumataba. Ang tignan mo lang is dapat sakto lang yung timbang,di rin maganda pag masyadong mataba yung baby kahit sabihin nila na "Cute daw." BF tsaka formula is okay sa baby,ang pinagkaiba lang syempre is mas healthy ang BF kase natural milk sya tsaka natutunaw agad sa tiyan ni Baby.

Magbasa pa