MAS SAKITIN PO BA ANG BABY KAPAG HINDI BREASTFED?

Respect lang po tayo sa comments section please. Di po kasi ako mentally okay mag breastfeed. Maaga ako bumalik sa work kasi need ng pera. Di kaya ng katawan ko yung puyat sa pag breastfeed ni baby kahit naka side-lying, tapos trabaho na ako sa umaga. Yung oras nga nag pump ako ng milk, tinutulog ko nalang tsaka yung auntie ni partner nalang ang nagpapa tulog kay baby and bottle feed. Nakakaiyak lang isipin na sinabihan ako mas prone sa sakit si baby kapag hindi breastfed. Di pa ako physically and mentally ready mag pump ulit. Umiiyak ako sa pagod (dala na rin siguro ng anxiety ko) kahit andyan si partner palagi tumutulong. Ano thoughts nyo po? Para sa peace of mind ko nalang din po. Hays.

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang mahalaga lang po mommy ay maibigay natin ang Best kay baby... Formula man or Breastmilk as long as naibibigay natin sakanila ay ok po yun❤️ at totoo po yun yung ippump mo nalang itulog mo nalang para yan sa health mo mi.. ang totoo pro BF ako at EBF 14months at ang Depression ko naman ay yung hindi ako makapagpa susu kaya pushed ko talaga yun kasi eto ang choice ko bilang nanay.. at hindi rin ako nag pump. Yun ippump ko nalang isusu nalang ni baby kasi nakakapagod naman talaga at tumigil naman ako sa work kaya anytime unli latch si baby.. Pero hindi ako against sa mga mommies na binibigay nila ay formula milk.. choice Yun ng bawat nanay kung Anu ang kaya ibigay .. ang mahalaga Happy at nasusuportahan ang kelangan ng baby.. huwag po kayo makikinig sa sasabihin ng iba at pilitin ang sarili kung hindi naman po kaya mi.. alagaan mo sarili mo physically at mentally... lahat hindi madali.. as long as masaya ka at si baby Yun ang pinaka mahalaga... Tandaan mo Isa kang mabuting Nanay.. at hindi din magiging sakitin si baby dahil naaalagaan ng maayos🥰 btw Happy Mother's day💐❤️

Magbasa pa
2y ago

thank you, my!! 🫶🏼