MAS SAKITIN PO BA ANG BABY KAPAG HINDI BREASTFED?

Respect lang po tayo sa comments section please. Di po kasi ako mentally okay mag breastfeed. Maaga ako bumalik sa work kasi need ng pera. Di kaya ng katawan ko yung puyat sa pag breastfeed ni baby kahit naka side-lying, tapos trabaho na ako sa umaga. Yung oras nga nag pump ako ng milk, tinutulog ko nalang tsaka yung auntie ni partner nalang ang nagpapa tulog kay baby and bottle feed. Nakakaiyak lang isipin na sinabihan ako mas prone sa sakit si baby kapag hindi breastfed. Di pa ako physically and mentally ready mag pump ulit. Umiiyak ako sa pagod (dala na rin siguro ng anxiety ko) kahit andyan si partner palagi tumutulong. Ano thoughts nyo po? Para sa peace of mind ko nalang din po. Hays.

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Please alagaan mo po mental health mo, magpahinga ka muna. Hindi po yan totoo. Yung colustrom po (ito yung milk produced sa 1st month pgkalabas ni baby) ito yung importante kasi ito yung may maternal immunity or antibodies that will protect your baby for the mean time, kaya nga may vaccines kasi as the baby grow mawawala din yung maternal immunity from colustrum. Also, as the breast milk mature same nlang po ito sa mga formula milk. Lahat ng tao may sasabihin talaga, e judge ka, mga taong feeling may alam wala nman ambag sa buhay natin. You're doing great momshie hindi po madali ang maging ina.

Magbasa pa
2y ago

thank you sa info po. 🙏🏼