MAS SAKITIN PO BA ANG BABY KAPAG HINDI BREASTFED?
Respect lang po tayo sa comments section please. Di po kasi ako mentally okay mag breastfeed. Maaga ako bumalik sa work kasi need ng pera. Di kaya ng katawan ko yung puyat sa pag breastfeed ni baby kahit naka side-lying, tapos trabaho na ako sa umaga. Yung oras nga nag pump ako ng milk, tinutulog ko nalang tsaka yung auntie ni partner nalang ang nagpapa tulog kay baby and bottle feed. Nakakaiyak lang isipin na sinabihan ako mas prone sa sakit si baby kapag hindi breastfed. Di pa ako physically and mentally ready mag pump ulit. Umiiyak ako sa pagod (dala na rin siguro ng anxiety ko) kahit andyan si partner palagi tumutulong. Ano thoughts nyo po? Para sa peace of mind ko nalang din po. Hays.