Baby Foods
Reminder: Long post ahead ✌ Hi mga momshie! ❤ Any advice or suggestion? I have an 8 month old baby boy, nung 6 months siya cerelac yung kinakain niya, lahat ng flavors napakain ko na pero nagsasawa at nauumay na siya sa lasa kasi niluluwa na niya, but I still tried to make him eat mashed vegetables, pinakain ko na din ng banana okay naman sakanya pero di ko pinapakain everyday, ayaw niya talaga kainin ang mashed vegetables, sinusuka at niluluwa niya. I tried giving him Marie Biscuits kinakain naman niya yun, nakakaubos pa nga siya ng isang pack. Today pina try ko ng Lugaw, ako nagluto, hindi din niya kinain. Nakakapanghinayang na kasi magluto ng magluto kasi di naman niya kinakain, I tried mixing the mashed vegetables sa cerelac, pero onti lang kinain niya. Anyway mga momshie, EBF baby ko and vitamins niya Tiki Tiki and Ceelin Plus. No violent reactions please. Ngayon lang ako naging SAHM at EBF Mom, kasi working mom ako sa eldest ko nun kaya parents ko ang hands on sakanya. Kaya parang first time mom ako ngayon pagdating sa pagpapakain ng baby. May 2 lower front teeth na din pala siya. I really need all your suggestions and advices para ganahan si baby sa food. Will try din na ipa check up siya sa Pedia niya to make sure din. ?❤ Thank you in advance mga momshies! Godbless! ❤
Momsy of 1 Energetic Little Heart Throb