147 Replies
Sorry Mommy sa pinagdadaanan mo ngayon 😔 wag po kayo magpapatalo! Kailangan nyo patunayan sa Marc at Valerie na yan na strong ka at mali sila ng kinalaban na Babae, hindi naman po ikaw ang nawalan. Sila ang nawalan, kasi ikaw may Baby ka na, wala man si Marc ngayon sa tabi mo andyan naman si Baby sa katawan mo.. Sa una lang yan.. Sa Family mo? Ako nga po ang tagal na panahon na di ako kinausap ng Pamilya ko kasi naglayas ako last year dahil pressured na ko sa Parents ko dami naming problem, tapos sinabihan nila ko na wag magpapakita boyfriend ko kasi makukulong lang sila dahil bubugbugin nila Bf ko. Pero nabuntis ako this year lang, sila pa nagchat sakin na pumunta ko don, ngayon lang kami nagkaayos ng family ko, everyday sa pagbubuntis ko iyak ako ng iyak kasi mahal ko pamilya ko... Pero feeling ko tinakwil nila ko kinokontrol kasi nila buhay ko kahit nakagraduate na ko gusto nila sila pipili ng trabaho ko which is HRM grad ako gusto nila ko ipush mag call center para malaki ang share ko sa kanila. Then this friday lang kami nagkaayos pinapunta nila kami sa bahay... Kinausap nila hubby ko na dapat kasal kami before ako manganak yun wish nila dahil anak nila ko at gusto nila maging masaya ko.. Tinanggap nila Baby ko at masaya pa sila.. Sa una lang yon galit sila.. Pero pamilya mo sila, sila ang katuwang mo at masasandalan mo sa panahong ganto. Magiging masaya ka din. You deserve that. Feeling mo ngayon the world is against you pero hindi, hindi lahat ng nangyayari sa buhay mo si Lord ang may gawa, it's our choices kung ano nangyayari sa buhay natin kaya sa point na to mag pray ka para matulungan ka ni Lord, I promise magiging okay ka! Andito lang kami!,God bless!
Mabigat nga yang dala mo mommy, x2 emotionally draining din dahil buntis tayo (hormones). I have depression po, at buntis rin ako. Dami ko ring beses na gusto nalang magpakamatay. Pero hirap na hirap ako kasi syempre mamamatay rin yung baby, e wala naman syang kasalanan sa lahat. I feel so alone din.. Pero yun rin naman ang reason bakit ka nag mmessage dito, diba? Para mahanap yung mga taong naiintindihan ang nararanasan mo. Di ka nag iisa mommy. Marami tayo dito na parehas ng pinagdadaanan, pero kahit na ganun, nagpapatuloy parin. Tingin ka sa mga ibang mommy na kinaya kahit mag isa, kuha ka ng lakas sa kanila. Wala namang may nagsabi na madali lang ito lahat. Pero kung sila nga kinaya, kakahanin mo rin. Kahit sugat sugat kana, kakayanin mo parin. Mahal mo ex mo, kaya nahayaan mong abusuhin ka nya. Pero di ka na talaga nya rerespetuhin eh. May anak na nga kayo, wala pa rin. Kailangan mo na mamili once and for all: ipagpatuloy lang yung sakit sa pag associate at pagpapansin sa kanila, o mag focus nalang sa sarili mo at sa mga karapatan ng anak mo? Ikaw na may hawak nyan momsh. Mahirap buhatin ang sarili lalo na ngayong may umaasa na rin sayo, at walang ibang tumutulong. Pero pag natapos na tong lahat, pag malaki na ang baby mo, mag llook back ka nalang sa situation mo ngayon at magiging proud na di mo hinayaang sirain ka ng mundo.
pano naman si baby na lumalaban para sayo kung ikaw gusto mo ng mag pakamatay, sis hindi sagot yan sa mga problema mo,ako 4years pero iniwan lang din ako nung boyfriend ko nung nalaman niya na buntis ako,pinipilit kong lumaban para kay baby kasi alam ko ganon din siya,nalungkot ako,na depressed pero ngayon lang naman yan,dadating at dadating din yung panahon na magiging maayos kami ni baby,malaking kahihiyan din para sakin at siyempre sa pamilya ko yung nangyari sakin kasi ako yung panganay sinasabi nga nila kung kelan tumanda ako tska pa nangyari to,pero buhay pa naman tayo diba?kaya pa natin bumangon,kaya pa natin bumawi,wag mong hayaan na masakop ka ng kalungkutan,wag mong sabihin na hindi ka mahal ni God kasi kung hindi ka niya mahal hindi ka niya bibigyan ng blessing hindi niya ibibigay sayo si baby and yung kada araw lang na bumabangon ka sign na yun na mahal ka niya,kasi binibigyan ka pa niya ng pagkakataon na mabuhay,unlike sa ibang tao na kahit anong gawin nila kapag talagang nasa finish line na sila wala na silang magagawa,lagi ka lang lumapit kay God pag nalulungkot ka hindi niya kayo pababayaan ni baby, ☺☺
Nobody loves the life growing in your tummy? I don't think so. You already love it but you just don't realize it yet because you're hurting at the moment. It's understandable for you to feel hopeless and focus on self-pity but you know what? Everything will come to pass. As someone with no child of her own, I am only here in this community because I recently had a nephew and I want to understand him and learn how to take care of him. Believe me, you are one so lucky because you're going to be a mother. Forget Marc because any child does not deserve a man like that for a father. It's your job from now on to take care of yourself and the life inside you. Remember that even if you're at your lowest point right now, everything is going to be alright eventually, and just focus on that. The fact that you are in this community is saying a lot about you. You're going to ba a great mother. Live your life just one day at a time, Mama.
Hindi lahat ng nag pakamatay o gustong mag pakamatay eh ayaw na nila sa buhay nila. Ang gusto lang nila matapos na yung sakit na nararamdaman nila at yun lang ang alam nilang way para mawala yun. Ganyan din sakin dati buntis ako nun dinala nya ako sa bahay nila pero sya di sya natutulog dun kasama ako kundi nandun sya sa ex nya magkasama sila. Sobrang stress na stress ako. Hanggang sa naulit nanaman panloloko sakin mag kachat nanaman sila nung ex nya sa dummy acc. Pero yung ex nya may jowa na din kumbaga niloloko din yung lalaki. Ang sakit lang sa pakiramdam bakit may mga ganung lalaki di marunong mag mahal ng tunay eh ang intensyon lang naman natin ang mahalin sila. Karamihan kasi ngayon ang puso nasa puson. Kaya mo yan girl. Pray ka lang kay God sabihin mo lahat sakanya ang sakit na nararamdaman mo. Ganyan ako kapag nasasaktan kinakausap ko lang si God hanggang sa guminhawa ulit pakiramdam ko 🙂
masarap mabuhay ☺❤ maraming mga pagsubok ang pwdeng pagdaanan ng isang tao., halos parang gusto mo n tlgang kitilin buhay mo peo anu magagawa mo kpag tinapos mo ung buhay mo sa isang pagsubok na di mo man lang na enjoy kung anu b tlga ang buhay, bilang isang tao normal ang masaktan mabigo paglaruan pag nakawan lokohon iniwan or pag iwanan ng panahon.umiyak s walang kwentang bagay or walang kwentang tao ,tumawa ng walang dahlan , sa mga bgay akala mo sau ntlga sya n tlga un pla pagsubok lng ulit. ang tao ang marupok madaling paghian ng loob peo kung isa isahn mo simula ng bata untilnow nalagpasan mo ang pag subok . paulit ulit mong itatanong sa sarili mo" bkit ako?" bkit ganito nlang palagi ? the reason why " hindi ka bibigyan ng isng task or pagsubok ni God kung di mo yanmalalagpasan or ma -pass . hndi ka nag iisa maraming magmamahal sau .masarap mabuhay ☺❤
Lakasan mo lang ang loob mo mommy. Wag kang papatalo sa mga nangyayari sa buhay mo. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo kasi may problema din akong kinakaharap. Katulad mo malaking kahihiyan din sa pamilya ko na nabuntis ako ng hindi kasal tapos may asawa pang una ang partner ko kaya lalong sumama ang loob sakin ng mama ko. Kahit na matagal na silang hiwalay lumalabas na kabit parin ako kaya di matanggap ng mama ko. Kaya kahit ganito ang sitwasyon pinipilit ko parin maging ok kahit na sobra na akong nasasaktan. Kailangan kasing maging matatag ako para sa magiging baby ko. Nagmahal ako, ginusto ko to kaya papanindigan ko. Dapat ganun ka rin mommy, lakasan mo ang loob mo para sa baby mo at para maipakita mo sa mga taong nakapaligid sayo na kaya mo. Tiwala lang mommy! Malalampasan natin to! 😄 Smile lang palagi ☺️☺️☺️
Huwag ka magpakamatay dahil lang sa lalaki. Isipin mo nalang ang magiging anak mo. Sa una mahirap tanggapin pero habang tumatagal yung journey ng pagbubuntis po maffeel mo yung baby mo mismo sa loob ng tyan mo at mrrealize mo na kailangan m magfocus saknya at eventually matatanggap din sya ng family mo khit hindi man sya tanggapin ng family ng ex mo. Magging kontento ka din at happy once na lumabas ang baby mo. Basta magdecide ka para sa bata wag para sa sarili mo lang. Knbukasan ng bata ang nakasalalay. Siya una mo pakaisipin. Panindigan ng ex mo yung bata at magbigay ng sustento. May liability siya kung hndi nya aacknowledge na anak nya iyon. Pwde ka magfile ng petition. Knowledge is power. Huwag ka panghinaan ginawa nyo yung baby huwag nyo sya idamay. Kaya mo iyan. Pagisipan mo ang para sa baby at ang dapat na tamang gawin...
Tanga pala yang lalaki na yn siraulo yan. Hwy nkooo Lifes goes on kapatid. Kung ayw nila syo , so be it dba? Tuloy tuloy ang buhay ksama mo ang baby mo gang sa pagtanda mo at paglaki nya kayo ang magmamahalan ng tunay😊 kung alam mong wala ka namang gngwang masama, edi wow nlang kamo, stand up straight and move forward isipin mo nlng na maganda kang nilalang ng diyos at higit sa lahat matatag at matapang. Ay sus yaan mo sila jn bahala sila dba? Sarap sarap mabuhay eh minsan lng yn mahalin ang sarili . ano pat lilipas din yn at alam ko mttnggap dn nila ang lahat and makakahanap ka din ng guy na blessed to have you and your baby dhil yan ang deserve mo .tandaan ang babaeng nakakamove on lalong gumaganda isipin mo nlng para kang nasa teleserye dba 😊!! dba go girl power!god bless you 🥰
Mahirap nga ganyan sitwasyon yan sis. Pero wag mong sabihin na di ka mahal ni Lord. Mahal na mahal ka nya at ang baby mo. Kausapin mo si God iiyak mo gan sakanya. Lahat lahat ng galit, sakit, feeling of betayal lahat yan iihak mo sakanya. At ipagpray mo sis na madiscern mo bat mo lahat pinagdadaanan to. Maaaring may gusto syang ituro sayo. Sis sakanya ka kumapit..kasi sa mga ganitong pagkakataon, si God lang talaga makakapitan mo. Iwan ka man ng lahat ng mga taong minahal at mahal mo, si God laging nandyan. Di ka nya iddisappoint..buksan mo lang puso mo para sakanya sis. Godbless you and i am praying na maging ok ka na, di naman yan instantly mawawala pero little by little makakamove on ka din kaya kapit ka lang ha. Di ka nag iisa. Kumakapit din si baby para sayo.