I want to kill myself
Read first please, sorry for the sad story. Today gusto kong mag pakamatay. Pagod na ako sa life. Dati sobrang happy ako then my boyfriend cheated on me with his ex GF lets called them Marc and Valerie. Wala pa kaming baby ni marc nun and ginawa ko lahat ng paraan para mahalin ule ako ni marc. Laging na iisip ni marc na under-appreciated sya sakin dahil tingin nya wala akong ginawa para sa relationship namin but still gumagawa at ng paraan. I give him all my first kiss and everything kaya ako buntis ngayun he was my first bf. Lagi nya akong minumura sa chat and sa personal in public. But still I love him so much. Sa umpisa gusto ako ng family ni marc but then nalaman nila na buntis ako they rejected me and hindi sila na niniwala na I'm pregnant tingin nila joke lng yun. Sa family ko naman isa akong kahihiyan para sa kanila at binigyan ko lng sila ng alagain na baby. At hindi ko makakalimutan lahat ng masamang sinabi sakin ni valerie. Kasi nag chat sya sakin at sinabi nyang nag sex sila ni marc. Sobrang sakit ng loob ko. Kaya today gusto kong mamatay, mag pakamatay. Feeling ko walang nag mamahal sakin at sa baby ko. Kahit si Lord hindi kami mahal. Sorry alam kong happy post lng dapat dto pero sobrang bigat na kasi.
Napagdaanan ko yan sis.. I thought di ko kaya ma buhay ng wala siya.. Sa kanya ulikot buhay ko. Parang nasa bangin ka at di maka ahon. Nakakahiya man aminin pero Δ° did it. And yun ang napakalaking pagkakamali ko. Kasi akala ko ba balikan niya ako. Bumalik ng pero di na ka gaya ng dati. Yung lagi ka nagwoworry na pagi mo siya kasama, meron siya kasama na iba.. 7 years kmi ganun.. kaya sinabi ko sa sarili ko na ayaw ko ng gnun na buhay..After several years nagkabf ako ulit and siya na naging husband ko. Di man perfect pero happy kami..Kaya,wag mo gawin sis.. Time Heal all wounds. Ngayon lang yan, lilipas din yan. Always remember, di ka laging ganyan.magbabago din ang lahat para sayo. Laban lang sa hamon ng buhay. Masaya ang magka anak sis. Walang kapantay.π
Magbasa paIsipin mo nalang si baby, sis. May buhay dyan sa loob ng tiyan mo na nakadepende sa iyo. May rason kung bakit yan nabuo. Kung gagawin mo yan, may inosente kang kukuhanan ng buhay. Mahirap na nga dito sa mundo, papahirapan mo pa kaluluwa mo? Promise, iba sa feeling lalo na pag nakita mo na si baby. Magkakaroon ka ng purpose in life at isa lang ang matitiyak ko sa iyo.. kung feeling mo wala ng nagmamahal sa'yo, yung baby mo mahal ka na nyan kahit heartbeat mo pa lang naririnig nya sa'yo. Matatanggap ka rin ng parents mo, syempre disappointed sila ngayon kasi you failed them. Di natatapos buhay pag nagkaanak na, it will inspire you to do things na di mo malay magagawa mo pala. Pray ka lang lagi. Mas maganda kausap si Lord. βΊοΈ
Magbasa paPray lang bhe.ako nga boung pagbubuntis ko minumura ako ng papa ng anak ko.sinuporhan nia ako sa loob ng 3months pero grabe pagmumura ginawa nila.di nia inisip anak ko.bawat peso n gagastusin nmin kapalit ng masasakit n salita.pagkaanak ko never n cia nagparamdam.gusto ko ng mamatay that time pero nagtiwala ako kay papa god now unti unti ko ng natatanggap sasarili ko n ganito tlga buhay.anak ang pinakamagandang nangyari sa buhay natin kaya laban lang..wag mong sayanging un buhay mo pra lang sa walang kwentang lalaki.baby mo magiging lakas mo dapat.wag mong isipin sasabihin ng iba.sa una lang mahirap ang lahat.iiyak mo lang at itulog pag gising mo magaan n pakiramdam mo.isipin mo lage yan baby mo.blessing yan
Magbasa paMas matindi pa dyan ang napagdaanan ko bhe, naisip ko narin na gawin yan. Pero ngayon ganto heto, kami parin hanggang huli pinagtibay kami lalo ng magkakaroon na kami ng baby. Ung family mo nsa likod mo lang yan no matter what happen.wag mong sbhin na kahihiyan ka sa knila isipin mo binigyan mo sila ng blessing na kailanman di matutumbasan. Isipin mo ung sarili mo at mgiging baby mo. Wala kang ibang kakampi kundi sarili mo. Magisip kang mabutu lahat may solusyon. Di man matanggap ng side ng ex mo ung baby mo wag mo ring ipagkait sa kanyang mabuhay sissy. Isipin mo kayong dalawa ng baby mo magkakampi. And for sure babalik sayo yang ex mo. Relax k lng bhe isipin mong mbuti..
Magbasa paIts sad to hear ur story pero don't ever say na hindi ka mahal ng Diyos. Minsan God is allowing things such as trials for us to come before Him. Inaalis Niya mga comfort zones natin pra mas lalo taung lumapit sa Kanya. This is a call for you to trust the Lord more at lalong kumapit sa Kanya. Life is beautiful pero kelangan mong baguhin ang way ng pgtingin mo d2. Iwan ka man ng lahat kht pamilya mo pa yan pero ang Lord kht kailan di ka iiwan. Pray ka lang sis! Everything will change if you started surrendering ur pain, rejections and suffering kay Lord. Kung hnd na kaya, ibigay mo ung bigat kay Lord and let Him proclaim His power and glory in ur life. God bless sis!
Magbasa paPlease don't think that God doesn't love you and the baby. Sometimes I feel that way too. Parang the world is against me and I'm left alone with the baby. Pero no. God loves you po. Isipin mo nalang po na mas mapalad ka pa rin kesa sa iba. You have roof, you have food, you have water. May mga part ng Mindanao ngayon na wala silang ganun pero pinipilit pa rin nilang mabuhay. Kaya laban lang sis. Hindi dahil nadapa ka ngayon ay ganyan ka nalang forever. Bumangon ka. Para sa sarili mo at sa baby mo π Pray for guidance as well. Minsan talaga parang hindi natin naffeel presence ni God pero di natin alam He is working in your life already. π
Magbasa panaisip ko din magpakamatay sis kasi iniwan lang ako ng lalaking nakabuntis sakin at blinocked pa ako sa social media para ndi ko na xa macontact. wala din xa support kahit piso..pero naisip ko, dalawa kami mamamatay, ako at si baby. malaking kahihiyan din sa family kasi kahit man lang sana suportahan ako financially nung hayop na lalaking yun e kaso wala. tinapon ako na parang basura. araw-araw ako umiiyak at ang sakit-sakit sa dibdib kasi ndi ko matanggap ginawa sakin. ginamit lang nia ako. pero madami single moms dyan na naging happy since they chosed to fight for their baby. kaya laban lang sis. ndi ka nag iisa.
Magbasa paStay strong. Be strong. Maging matapang ka bebe. Mahirap yang pinag dadaanan mo pero from the looks of it, bagets ka pa. Alam mo yang Marc at Valerie na yan t*ngina lang masasabi ko sakanila. Lalo na yung lalake kasi napaka hayop niya. You don't deserve that. At sa kapal ng mukha ni girl ang sarap niyang ihampas sa pader. Proud pa siyang nakipag sex siya sa bf mo na alam niyang magkakaanak na kayo. Hainaku. The things I'll do to them pag kaharap ko yang mga yan. Basta bebe be strong! Pag chinat ko maging matapang kang sumagot. Wag kang susuko. Mas masarap makita sa mga mukha nila na mali sila ng tao na sinaktan.
Magbasa paDear momsh, hindi yan ibibigay sayo ni Lord kung hindi mo kaya. Kung sa tingin mo hindi mo kaya iba yung tingin sayo ni lord, ang tingin nya sayo ay kayang kaya mo yan malalagpasan mo yan. Magfocus ka sa positive side at isa pa blessings ang baby. Maraming gustong mag anak pero hindi biniyayaan ng anak. Kung sila against sayo focus to your little one sya lang ang magiging kakampi mo. Malay mo naman yang anak mo na pala ang next president d ba? O kaya engineer or architect? Yung mga bagay na pinangarap mo noon malay mo sya ang tumupad kaya cheer up malalagpasan mo yan at kakayanin mo yan ng mag isa.
Magbasa paSis. Si baby ang rason mo para mabuhay. Back then, wala na akong ganang mabuhay, I was a rape victim nung bata pa ako. Ayoko magsuicide kasi malaking kasalanan yun. Kumbaga hinihintay ko na lang mamatay ako. But then I get pregnant. I was exhausted kahit na papanindigan naman ng bf ko.But nung lumabas na si baby, kako may dahilan pa ako para mabuhay. Higit kaninuman, kailangan ako ng anak ko. Gusto ko syang makitang lumaki. (plus points pa na pogi bb koπ) Kung ngaun napapanghinaan ka ng loob, isipin mo to, "Hindi ka bibigyan ni Lord ng pagsubok na di mo kayang masolusyunan"
Magbasa pa