Help ano po kaya pwede dito tagal napo ng rashes ni baby gagaling tas babalik lang po

Rashes ni baby

Help ano po kaya pwede dito tagal napo ng rashes ni baby gagaling tas babalik lang po
30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mi ganyan rin bb ko, medjo malaman kse si bb ko na 4mos. kaya ung mga singit singit , leeg, kilikili di mawala wala rashes. pero naglelessen na sya now gngawa ko lilinisan ko ng cotton na may distilled water, un pampupunas ko tapos punasan ng dry towel or basta patuyuin mo lang then applyan mo ng CALMOSEPTINE cream tig 35-39 lang sa mga botika yan . meron din ako isa pang inaapply sknya ung drapolene cream naman tig 350 ko nabili sa mercury. pero try mo muna CALMOSEPTINE kse super effective nyan as in!! subok kona yan sa mga rashes, insect bites etc..

Magbasa pa

nagkaganyan din baby ko kung ano ano pinapahid ko nawawala tapos babalik naman. dumami pa nga Hanggang likod. iyak sya ng iyak di rin makatulog sa gbi. nag change diet na din Kasi kala ko allergy. pagdating sa pedia Ang sabi eh palaging paliguan lang si baby tapos lagyan ng lotion after ligo para ma moisturize Ang skin nya. ayun kuminis na skin ni lo. hiyang din sya sa bath soap nya Yung dove baby sensitive tapos lotion nya Yung Johnson's baby lotion Yung milk and oats lang. pinapaliguan ko si lo ng morning 7am tapos sa hapon naman bago sya matulog.

Magbasa pa
1y ago

yes po. tama. madalas dahil sa pawis kaya ganyan leeg ng mga baby. na experience ko rin yan nung wala pang 1year baby ko. johnsons lotion milk+rice ang gamit. super effective. makinis rin balat ng anak ko

Ipa check up mo na lang po sa Pedia mommy. Kasi sa dami² Ng pwedeng ipahid Kay baby di natin alam yung ibang formula ay makakapalala pa sa condition nya po. Ganyan nangyari sa pamangkin ko po, 5 mos. Nung nagpa check up, Pina skin test at nakitang may yeast sa leeg nya. Kulang din sa pagpapabilad sa araw dahil 9 am na gumugising so baby.

Magbasa pa

nung nagkarashes date ang baby ko ang nilagay ko lang lucas papaw "beware of fake" sa watsons meron nun. pero better na mag pacheck up kau sa pedia. if walang time na magpuntang pedia merong mga online consultation baka kase need ng gamot

Iligo mo lang then warm water o distilled water lang lagi. if irritable si baby mo o may lagnat pacheck up mo nlang para sigurado . Kasi marami branded na cream TAs di naman tumatalab Wala paring mangyayari .

VIP Member

Change diaper brand. Use cotton and water instead of wipes. Pag nagkaka rashes si baby Sudocrem gamit namin. Kinabukasan wala na agad rashes. Change diapers din lagi. Max of 4hrs, as much as possible.

anak ko simula baby Hanggang ngayong 2yrs old petroleum jelly lang lagi gamit ko SA mga rashes nya mabilis din nawawala Basta lagi Lang lagyan . may nabibili na Naman na pang baby . mabango pa

alam mo hiyangan lang yan.ung pamangkin ko dami nyang cream mga branded pa di tumalab sa knya tapos nakita ng helper namin sa bahay sabi nya try mo petroleum gelly.yun saka lang gumaling.

VIP Member

make sure na dry Ang bumbum ni baby pag magchange Ng nappy, apply barrier cream to prevent rashes, wash with water pag nagpoop Si baby wag na wipes para mas sure na malinis Si baby

VIP Member

Try mo calmoseptine mi. pahiran mo yan rashes ni baby everytime palitan mo xa ng diaper. Iyan kc gamit ko sa baby ko effective nmn . Sana effective din sa rashes ng baby mo momsh

Related Articles