Gift of God π₯Ίπ
Raphaela - God Heals Louise - Warrior My Raphaela Louise π EDD : Oct 9, 2021 DOB : Oct 4, 2021 3100 Grams Via Normal Delivery π Hanggang ngayon Baby , Hindi ako makapaniwala na andyan kana . Sobrang saya namin ng dumating ka . Mahal na Mahal ko kayo ng kuya mo anak π Parang kelan lang . 4 na buwan kona nalaman na buntis ako syo . Pero puro problema na agad . Lagi akong nag Bi Bleeding . Kada ultrasound , trans v . okay naman . mataas inunan at healthy ka . Pero di malaman bakit ako nag bi bleeding mnsan patak patak , mnsan buo buong dugo π₯Ί mnsan para nkong may mens sa lakas eh . pa palit palit tayo ng resetang pampakapit . at talagang Bedrest lang ako . nung 26 weeks iihi lang ako pero sobrang akit ng puson ko , pag kita ko ang dami ng dugo kaya punta ng ospital , pag IE open cervix daw . iyak ako ng iyak natatakot ako bka mapano ka anak . Niresetahan ako ibang pampakapit . napaka gastos linggo linggo din ang checkup , Pero sbe ko kahit maubos kahit wala ng matira sten bsta okay ka anak . 28 weeks nag saksak tayo ng 2 dose ng steroids pang matured ng Lungs kung sakali daw maaga kitang ilabas , knausap ako ng OB . sbe mag Handa daw ako ng 90k ksi pag dpa nwala Bleeding 34 weeks mag emergency cs na . Dpa daw ksama Incubator . kaya umuwi ako sa Bulacan , Don sana ako sa Ospital kung san ako nanganak sa panganay ko ksi kompleto don , kaso Dina pala sla natanggap ng pasyente don puro may covid nalang , kya nag hnap ako ng Clinic . sakto meron dto malapit smin . OB talaga sya . Pinalitan nya ako ulit ng Bagong pampakapit , inalagaan nya din ako Every 2 weeks Checkup , Hanggang sa nwala yung Bleeding saktong 36 weeks pinatigil din yung Gamot na pampakapit . Kaso HB ako , Knakabahan ako ksi Posible na sa Ospital talaga ako manganak , 170/120 Posible din na ma CS . Pero sabe ko Bahala na . Bsta mairaos ko lang si Baby ng maayos . Alam ko nman di kmi pababayaan ni Lord eh . 3 Vitamins , 3xaday na pampakapit , twice a day na gamot sa HB . Kulang 400 araw araw sa gamot , Pero Keri lang bsta maging maayos lang pag bubuntis ko syo . Grabe anak π₯Ί salamat sa pag laban mo kasama ko . salamat ksi kumapit ka dimo ako binitawan sa panahong dko na dn alam gagawin ko , sa panahong muntik na akong sumuko . andyan ka sisipa sipa gagalaw galaw . alam kong sinasabe mo Lalaban tayo . Kaya salamat anak π Higit sa Lahat sa panginoon na hndi tayo pinabayaan ππ napaka buti nyo panginoon π
Mom of Two β₯οΈ