Gift of God 🥺🙏

Raphaela - God Heals Louise - Warrior My Raphaela Louise 💗 EDD : Oct 9, 2021 DOB : Oct 4, 2021 3100 Grams Via Normal Delivery 😊 Hanggang ngayon Baby , Hindi ako makapaniwala na andyan kana . Sobrang saya namin ng dumating ka . Mahal na Mahal ko kayo ng kuya mo anak 😘 Parang kelan lang . 4 na buwan kona nalaman na buntis ako syo . Pero puro problema na agad . Lagi akong nag Bi Bleeding . Kada ultrasound , trans v . okay naman . mataas inunan at healthy ka . Pero di malaman bakit ako nag bi bleeding mnsan patak patak , mnsan buo buong dugo 🥺 mnsan para nkong may mens sa lakas eh . pa palit palit tayo ng resetang pampakapit . at talagang Bedrest lang ako . nung 26 weeks iihi lang ako pero sobrang akit ng puson ko , pag kita ko ang dami ng dugo kaya punta ng ospital , pag IE open cervix daw . iyak ako ng iyak natatakot ako bka mapano ka anak . Niresetahan ako ibang pampakapit . napaka gastos linggo linggo din ang checkup , Pero sbe ko kahit maubos kahit wala ng matira sten bsta okay ka anak . 28 weeks nag saksak tayo ng 2 dose ng steroids pang matured ng Lungs kung sakali daw maaga kitang ilabas , knausap ako ng OB . sbe mag Handa daw ako ng 90k ksi pag dpa nwala Bleeding 34 weeks mag emergency cs na . Dpa daw ksama Incubator . kaya umuwi ako sa Bulacan , Don sana ako sa Ospital kung san ako nanganak sa panganay ko ksi kompleto don , kaso Dina pala sla natanggap ng pasyente don puro may covid nalang , kya nag hnap ako ng Clinic . sakto meron dto malapit smin . OB talaga sya . Pinalitan nya ako ulit ng Bagong pampakapit , inalagaan nya din ako Every 2 weeks Checkup , Hanggang sa nwala yung Bleeding saktong 36 weeks pinatigil din yung Gamot na pampakapit . Kaso HB ako , Knakabahan ako ksi Posible na sa Ospital talaga ako manganak , 170/120 Posible din na ma CS . Pero sabe ko Bahala na . Bsta mairaos ko lang si Baby ng maayos . Alam ko nman di kmi pababayaan ni Lord eh . 3 Vitamins , 3xaday na pampakapit , twice a day na gamot sa HB . Kulang 400 araw araw sa gamot , Pero Keri lang bsta maging maayos lang pag bubuntis ko syo . Grabe anak 🥺 salamat sa pag laban mo kasama ko . salamat ksi kumapit ka dimo ako binitawan sa panahong dko na dn alam gagawin ko , sa panahong muntik na akong sumuko . andyan ka sisipa sipa gagalaw galaw . alam kong sinasabe mo Lalaban tayo . Kaya salamat anak 💗 Higit sa Lahat sa panginoon na hndi tayo pinabayaan 💗🙏 napaka buti nyo panginoon 😭

Gift of God 🥺🙏
83 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nabuhayan ako nang loob sa post mo .mommy My placenta previa din po ako..laging dinudugo.nakakatakot nga..26 weeks preggy here.sana umangat na sya..nakaka depressed kasi..Pero alam kong lalaban kami ng baby ko at andyan din si Lord para sa amin🙏🙏🙏Congrats sayo mommy!

3y ago

Bedrest lang din po kayo , Ingat kayo palagi . Pray lang makakaraos din kayo 🙏💗 Hndi kayo pababayaan ni Lord . alam ko kung gaano kayo ka stress , Pero Laban lang . Para kay baby ☺️ tataas din po yan habang nalaki si Baby sa tiyan .

congrats po♥️kahit ako minsan pinang hihinaan ng loob kasi di talaga madali ang mag buntis pero salamat sa dyos kasi pinapalakas nya ko sa tuwing gusto ko ng sumuko🙏 congrats po ulit, thanks god po talaga♥️

2y ago

Elevated ang left uterine artery mo. May apas kaba? Pero ok pa naman daloy ng nutrients kay baby. Ang sakin kase lagi may notching ang atery o medyo nahihirapan dumaloy mga nutrients papunta kay baby kase may apas ako.

TapFluencer

Iba talaga kapag will ni God. Napakasarap maging nanay diba mommy❤️ Stay safe sa inyo ni baby☺️☺️ ako rin noon nag preterm labor sa awa ng Panginoon nalabas ko ang baby ko ng 38 weeks🙏🏼

2y ago

Kung para sayo talaga ibbigay at ibbgay sayo ni Lord 😍❤️ Npaka sarap yung mailabas naten sla ng mlusog at walang problema kahit na ganun nangyare .

awww! so cutiee naman! congrats mamsh! God is so Good talaga! basta may faith ka sa Kanya, panigurado na di Nya tayo papabayaan 🙏 Godbless sa inyo ni baby mamsh! 💙

3y ago

very inspiring din ng story mo mamsh 🤩 Ako po, 35w na po today. last 2 utz ko naka breech si baby namin tapos naka indian seat sya. tom po check up and utz na po siguro ulit. nagpipray kami lagi ni hubby na mag head down na si baby. talagang dasal lang sa Kanya. alam namin na di Nya kami papabayaan 💙

TapFluencer

wow sadyang napakabuti talaga ng panginuon kahit anu pa na pagsubok sadyang walang imposible talaga pag manalig tayu sa kanya ,congrats sis and ur little one 😍😊

3y ago

😍😊how blessed you are sis😊

VIP Member

congrats mommy...warrior baby tlaga ung baby mo mommy talagang lumaban din tlga sya 😘😇😇Sana makaraos Tau Ng maaus mga mom's😇🙏🙏🙏

Congrats Mommy! Ang hirap naman po pinagdaanan mo pero npakabuti parin ni Lord at di kayo pinabayaan ng baby mo... Cute2 naman ng baby!☺️

3y ago

Thankyou po 🥺💖 opo ang hirap ksi andyan yung takot ko na di mwala wala ksi di naman po talaga normal yung nag bi bleed pag buntis lalo at malakas ska may buo buo . Pero tama po kayo napaka buti ni Lors at ginabayan nya kami 🥰

congrats momshie☺️ kabuwanan kona rin ngayon. sana makaraos na din ako. dipa ako open cervix pero 38weeks and 4days na ako🥺

3y ago

Punta ka na sa Ospital o sa lying in . para ma IE ka sis . Bka open na nga yan .

tanung lng po 3100 grams po sya tapus po ganyan na po ba sya kataba ,, ?? kasi po sakin sa ultrasound ko po 3700 grams po ?!

3y ago

ahh ganun po salamt po

Very inspiring mommy ang iyong kwento. Napakabuti talaga ng Panginoon sa buhay mo at sa angel mo😍. I love you Lord❤

3y ago

Thankyou sis . sobrang bait talaga ksi kahit kailan di sya nag pabaya 🙏🥰