Gift of God 🥺🙏

Raphaela - God Heals Louise - Warrior My Raphaela Louise 💗 EDD : Oct 9, 2021 DOB : Oct 4, 2021 3100 Grams Via Normal Delivery 😊 Hanggang ngayon Baby , Hindi ako makapaniwala na andyan kana . Sobrang saya namin ng dumating ka . Mahal na Mahal ko kayo ng kuya mo anak 😘 Parang kelan lang . 4 na buwan kona nalaman na buntis ako syo . Pero puro problema na agad . Lagi akong nag Bi Bleeding . Kada ultrasound , trans v . okay naman . mataas inunan at healthy ka . Pero di malaman bakit ako nag bi bleeding mnsan patak patak , mnsan buo buong dugo 🥺 mnsan para nkong may mens sa lakas eh . pa palit palit tayo ng resetang pampakapit . at talagang Bedrest lang ako . nung 26 weeks iihi lang ako pero sobrang akit ng puson ko , pag kita ko ang dami ng dugo kaya punta ng ospital , pag IE open cervix daw . iyak ako ng iyak natatakot ako bka mapano ka anak . Niresetahan ako ibang pampakapit . napaka gastos linggo linggo din ang checkup , Pero sbe ko kahit maubos kahit wala ng matira sten bsta okay ka anak . 28 weeks nag saksak tayo ng 2 dose ng steroids pang matured ng Lungs kung sakali daw maaga kitang ilabas , knausap ako ng OB . sbe mag Handa daw ako ng 90k ksi pag dpa nwala Bleeding 34 weeks mag emergency cs na . Dpa daw ksama Incubator . kaya umuwi ako sa Bulacan , Don sana ako sa Ospital kung san ako nanganak sa panganay ko ksi kompleto don , kaso Dina pala sla natanggap ng pasyente don puro may covid nalang , kya nag hnap ako ng Clinic . sakto meron dto malapit smin . OB talaga sya . Pinalitan nya ako ulit ng Bagong pampakapit , inalagaan nya din ako Every 2 weeks Checkup , Hanggang sa nwala yung Bleeding saktong 36 weeks pinatigil din yung Gamot na pampakapit . Kaso HB ako , Knakabahan ako ksi Posible na sa Ospital talaga ako manganak , 170/120 Posible din na ma CS . Pero sabe ko Bahala na . Bsta mairaos ko lang si Baby ng maayos . Alam ko nman di kmi pababayaan ni Lord eh . 3 Vitamins , 3xaday na pampakapit , twice a day na gamot sa HB . Kulang 400 araw araw sa gamot , Pero Keri lang bsta maging maayos lang pag bubuntis ko syo . Grabe anak 🥺 salamat sa pag laban mo kasama ko . salamat ksi kumapit ka dimo ako binitawan sa panahong dko na dn alam gagawin ko , sa panahong muntik na akong sumuko . andyan ka sisipa sipa gagalaw galaw . alam kong sinasabe mo Lalaban tayo . Kaya salamat anak 💗 Higit sa Lahat sa panginoon na hndi tayo pinabayaan 💗🙏 napaka buti nyo panginoon 😭

Gift of God 🥺🙏
83 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Weee congrats po mommy! Nabuhayan po ako ng loob na kaya ko inormal baby ko. Ako din po 34 weeks na po now, may pre eclampsia pero controlled po namin ng maintenance. 500mg po na methyldopa every 4 hours, aspurin saka 2 nipedefine a day po ako. Inalagaan din po ako ng OB ko halos every 2 weeks din po ako nag fetal biometry and check up. Sana nga po ma normal ko baby ko pero naka ready po kame for CS just in case lalabas na din si baby. Naka steroids na din po siya kasi na ER na ko one time sobra taas ng BP. Congrats po ulit!

Magbasa pa
3mo ago

Hahahaha . Pag naalala ko yun ntatawa ako , ksi yung mga nanay na ksabay ko nag iiyakan ayaw na mag pa saksak ng ganon . Hndi na monitor Bp ko kasi pag punta ko ng Clinic pag IE skin 10 Cm na ko agad . Pinutok nalang panubigan ko . 😅