#QOTD Tuesday: Ilan ang gusto mong maging anak?
TAP Parents, sumagot lang ng ating daily question at magkaroon ng chance na manalo ng PHP100 egift! Random winners ito kaya lahat ay may chance manalo. So, comment below your thoughts and kwentos!


Ako po gusto ko dalawa lalaki at babae kasi pag morethan 2 mahirap na nagkakainggitan lalo pag di pantay ang trato mo parang sa aming 3 magkakapatid mas spoiled ang bunso kaya lagi kami nagtatampo kapag sya palagi may bagong gamit tapos samin mumurahin lang. ayoko rin naman ng solong anak kasi kawawa ang bata walang kalaro maiinggit sya sa iba kasi di nya alam pakiramdam ng may kapatid. Gusto ko po sana panganay lalaki para po may tagapagtanggol ang bunsong babae kasi po danas ko na;na panganay ako ang hirap kasi mga kapatid ko lalaki di ko manlang maranasan maipagtanggol ng kuya kapag inaapi ako kasi ako palagi nagtatanggol kaya gusto ko panganay ko lalaki kaso babae ang niloob ng Dios e. But I'm happy now that I have a baby now atleast kahit wala man na akong makasamang lalaki sa buhay ko atleast may anak na akong makakasama ko sa pagtanda ko. Mas importante ang anak kaysa asawa/lalake.
Magbasa paHello ,Goodmorning po ! 😊 ako po gusto ko sana magkaron ng limang anak . 😁❤ mas marami po kasi mas masaya ,kahit po mahirap ang buhay kinakaya naman po ,lumaki po sa malaking pamilya 8 po kaming magkakapatid at masaya po lalo ngayo na malalaki na kami ,kaya gusto ko rin po maexperience ng magiging anak ko un,para kung sakali mawala na kami ng asawa ko ,atleast di sila maiiwan ng mag isa dahil marami silang magkakapatid na magdadamayan ,wala naman po kasi ibang tutulong sa kanila kung sakali mawalan sila ng magulang kundi silang magkakapatid lang din. Sa ngayon po dalawa na ang anak ko isang 6 years old at isang 2months pareho po silang lalaki. and im looking forward sa darating pa na blessings. 👶 Godbless po and more power ! 🤘💟💟💟
Magbasa paDati ang gusto ko atleast dalawa o tatlo kasi lumaki ako sa pamilyang madami kaming mag kakapatid. Masaya kapag ganon kasi naisip ko ang lungkot naman kapag isa lang. Pero ngayong may baby na ko, sobrang hirap pala lalo na yung pag papalaki. Tipong matutrauma ka talaga lalo nang limamg buwan pa bago kami nag kasama ng partner ko dahil sa pandemya. Nasa puder ako ng nanay ko nung nanganak ako kaya nalungkot akong hindi namin nakasama yung tatay ng anak kaya ayaw ko nang mangyari ulit yon. Gustohin ko lang bumuo ng malaking pamilya, di mawala sa isip ko yung pangamba na baka mangyari ulit kaya itinataas ko nalang sa Panginoon ang lahat ng plano nya para sa amin.
Magbasa paNoon pa man pangarap kong magkaroon ng apat (4) na anak basta ba may stable na trabaho na kami ng asawa ko. Naniniwala kasi ako na pag madami mas masaya. Galing po kasi ako sa isang one big happy family. Sampu (10) kaming magkakapatid. Mahirap man ang buhay namin pero napalaki kami ng maayos at nakapagtapos ng pag-aaral ang ilan. Alam ko iba na panahon ngayon, mas mahirap at kailangan talaga ng pagpa-plano pero pagsisikapan namin ng asawa ko na magkaro'n ng magandang trabaho. First baby ko pa pala ito so hoping na safe at normal lang ang lahat. God bless po sa lahat ng mga buntis at manganganak. 😊 I will pray for you and your baby's health. ♥️
Magbasa paGood morning po ..Kahit ilan po basta bigay ng panginoo sa amin🙏🙏Nagpapasalamat po ako sa kanya kasi binigyan niya ako ng chance para mabuntis ulit ..kasi nong una nakunan po ako siguro dala po ng stress yon at work din po ako nong time na yon..sobrang sakit mawalan ng anak pero anong magagawa ko kinuha siya sa amin ehh! Pero thankful parin ako ngayon kasi I'm 8 months preggy po🥰 nagpapasalamat po ako sa ating panginoong sa walang sawang pagtulong, pagbigay biyaya sa atin kahit anong pagsubok dumating sa atin nandyan parin siya..Salamat panginoon🙏🙏❣️❣️
Magbasa paMaybe 2 kids kung kya pa..I already have one little baby boy! na super kulit he's 10months old..masaya nmn talaga ang my anak kaso ang hirap din kse lalo ngayon manganak ...the after giving birth puyat gutom talaga most especially mga breastfeeding mom and nakakaparanoid pa pag my sakit..parang iniisp mo n kailan kya to matatapos gusto ko ng dayoff kht 1day lng ...Pag nagkaanak ka ulit ng bago back to zero ka ulit hahaha...kya sa mga mommy out there na more than 1 ang kids..Super salute sa inyo ...hero talaga un pagod na wlang sweldo ngiti lng ng anak nila ok na🤗😙
Magbasa paDalawa sana para may kapatid yung baby namin. Naranasan ko kasi maging only child at medyo lonely siya. Lagi pa kong pumupunta sa bahay ng mga kaibigan ko noon para makipaglaro. Adopted kasi ako pero nung nalaman ko na may mga kapatid pala ako sa biological parents ko, syempre, natuwa ako. Simula nun, madalas na ko sa biological parents ko para makipaglaro sa ate at kuya ko. Kaya mas gusto ko na may kapatid si Chloe para happy din si baby namin 😊 Ang problem ko lang eh na-CS delivery ako sa kanya kaya baka medyo matagalan pa bago namin siya sundan.
Magbasa pabefore po ako mabuntis sabi ko kahit isa lang po aus na, kse after kasal po namin last 2019 un n tlaga next n target nmin ang magbaby kse un po tlaga wish nmin before kmi ksal. kso sinubok po kmi no papa GOD, kala po nmin d na kmi magkakaanak then eto po kng kelan pandemic tsaka po ako nabuntis sa aming 1st baby.. sobrang tuwang tuwa po kmi n bngyan n kmi ni LORD ng bubuo sa pamilya nmin.. kya sana hihirit p kmi..hehehe.. gustu po tlga namin.. 2 boys 2 girls😍😍😍😍
Magbasa pagusto ko tatlo. ngayon meron nakong dalawang anak isang lalaki (panganay) ang isa naman ay babae. masaya din kasi pag madami sa pamilya. ou mahirap ang buhay ngayon pero syempre tulungan kami mag asawa para mabuhay at mabigay ang pangangailan ng aming mga anak. base kasi sa experience ko dalawa lang kami magkapatid parehong babae syempre pag wala ang isa malungkot na sa bahay. kaya sabi ko sa sarili ko pag mag pamilya ako gusto ko ung malaki . kaya ito gusto ko tatlo.
Magbasa pa3 sana.. heheh pro nung nalaman ko na may PCOS pla aq last 2019.. mjo d n aq umasa.. kaya nga sobrang grateful aq naun, kc binigyan kmi ni GOD ng blessing 😊i'm on my 29weeks and it's a baby boy.. sobranh happy kmi ni hubby nung nlaman n buntis na aq 😊😊❤️❤️ gsto ko dn sna mgkababy girl kung kakayanin pa kc i'm 30yo na.. e balak ko pa nman n mjo malaki na c baby pg masusundan.. heheh pro kng anu man ang ibigay ni God.. mgging thankful nman kmi 😊😊
Magbasa pa