#QOTD Tuesday: Ilan ang gusto mong maging anak?

TAP Parents, sumagot lang ng ating daily question at magkaroon ng chance na manalo ng PHP100 egift! Random winners ito kaya lahat ay may chance manalo. So, comment below your thoughts and kwentos!

#QOTD Tuesday: Ilan ang gusto mong maging anak?
775 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Noon pa man pangarap kong magkaroon ng apat (4) na anak basta ba may stable na trabaho na kami ng asawa ko. Naniniwala kasi ako na pag madami mas masaya. Galing po kasi ako sa isang one big happy family. Sampu (10) kaming magkakapatid. Mahirap man ang buhay namin pero napalaki kami ng maayos at nakapagtapos ng pag-aaral ang ilan. Alam ko iba na panahon ngayon, mas mahirap at kailangan talaga ng pagpa-plano pero pagsisikapan namin ng asawa ko na magkaro'n ng magandang trabaho. First baby ko pa pala ito so hoping na safe at normal lang ang lahat. God bless po sa lahat ng mga buntis at manganganak. 😊 I will pray for you and your baby's health. ♥️

Magbasa pa