#QOTD Tuesday: Ilan ang gusto mong maging anak?

TAP Parents, sumagot lang ng ating daily question at magkaroon ng chance na manalo ng PHP100 egift! Random winners ito kaya lahat ay may chance manalo. So, comment below your thoughts and kwentos!

#QOTD Tuesday: Ilan ang gusto mong maging anak?
775 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Dati ang gusto ko atleast dalawa o tatlo kasi lumaki ako sa pamilyang madami kaming mag kakapatid. Masaya kapag ganon kasi naisip ko ang lungkot naman kapag isa lang. Pero ngayong may baby na ko, sobrang hirap pala lalo na yung pag papalaki. Tipong matutrauma ka talaga lalo nang limamg buwan pa bago kami nag kasama ng partner ko dahil sa pandemya. Nasa puder ako ng nanay ko nung nanganak ako kaya nalungkot akong hindi namin nakasama yung tatay ng anak kaya ayaw ko nang mangyari ulit yon. Gustohin ko lang bumuo ng malaking pamilya, di mawala sa isip ko yung pangamba na baka mangyari ulit kaya itinataas ko nalang sa Panginoon ang lahat ng plano nya para sa amin.

Magbasa pa