#QOTD Tuesday: Ilan ang gusto mong maging anak?

TAP Parents, sumagot lang ng ating daily question at magkaroon ng chance na manalo ng PHP100 egift! Random winners ito kaya lahat ay may chance manalo. So, comment below your thoughts and kwentos!

#QOTD Tuesday: Ilan ang gusto mong maging anak?
775 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Gusto ko lang magkaroon ng 2 anak. Meron na akong baby girl, sana sa susunod boy naman. Sa panahon ngayon dapat maging praktikal na tayo dahil mahirap ang buhay. Hindi na uso ang magpalaganap ng lahi. Kasi sa totoo lang, mahirap ibigay sa mga anak ang maayos na buhay kung madami sila. Kung 2 or 3 lang sa tingin ko mas mabibigyan mo sila ng tamang atensyon, mabibigay ang mga kailangan, mapapag aral ng maayos, lalo na kung tama ang agwat nila, hindi yung magkakasunod.

Magbasa pa

pang 3 na po itong pinagbubuntis ko. siguro po tama na to dahil sa hirap ng buhay ngaun lalo at pandemic para maasikaso at maalagaan muna sila magkakapatid. 29 years old plng nman po ako at ang ages nila is 5, 2 at 8months preggy po ako ngayon (1 girl and 2 boys).😍 Focus muna sa kanilang tatlo sa kanilang paglaki at mapaghandaan din namin mag asawa ang kanilang future. Bonus nlng po pag nagkababy girl ulit kami na pang apat kung bibiyayaan pa po.πŸ’–

Magbasa pa

29 yrs old first time mom at nasa 17 weeks pa lng yung tiyan ko ngayon, hindi ko pa iniisip kong magkakaroon pa ulit ako ng pangalawang anak. Mahirap kasi ang buhay sa panahon ngayon pero tiwala lng sa diyos at lagi lng magdadasal πŸ˜‡ sa totoo lng les ang kinakasama ko ngayon tinanggap parin nya ko khit nagkamali ako dahil alam naman nya na gusto ko paring maranasang magkaroon ng sariling anak. Tama narin siguro to na isa lang 😊😊😊

Magbasa pa
VIP Member

before ako magkaanak I thought I wanted to have 7 kids, kasi dadalawa lang kaming magkapatid, I thought it would be nice to have at least 7 kids who will be running around the house.. makulit, magulo at maingay.. para masaya most of my cousins are family of 4 to 7, gusto ko din ganun kadami para masaya. but after delivery mahirap pala, kaya nasabi ko siguro yung iba sa 7 na yun ampon nalang.. mahirap kasing manganak.. hehehehhee

Magbasa pa
VIP Member

To be honest, gusto ko talaga madami. Para sana sobrang saya diba hahaha pero dahil na-CS me, malabo nayun and also, dahil sa grabeng mga kaganapan sa mundo natin ngayon, at sa patuloy na kahirapan sa buhay, naisip ko na okay na tong isa nalang ang baby ko. Sya nalang paglalaanan namin ng oras at panahon. Masaya parin naman kahit isa lang ang baby namin. At alam kong mas sasaya pa hanggang sa paglaki nya.❀️❀️❀️

Magbasa pa
VIP Member

Hello. Meron na akong isa pero gusto kong mabiyayaan nang higit sa dalawang anak, kahit 5 kung kakayanin πŸ˜… Dahil only child kami ng mister ko. Walang aunty, walang uncle, at walang mga cousins ang anak ko. Mahirap ang magisa kaya gusto ko magkaroon siya ng kapatid, kalaro, kaibigan or bestfriend at kakampi na kapatid niya rin. Hindi na siya mapapalayo at mahahagilap pa nang makakaibigan sa iba.

Magbasa pa

4 po sana pero buntis po ako ngayon sa pang 5th na baby ko. Blessing po at answered prayer kay Amang Jehovah kasi hiniling ko talaga dahil gusto ko lang po maibalik yong namatay na baby namin. Happy kasi yong panganay ko malapit ng magcollege at malapit na syang umalis para mag aral sa ibang bayan kaya heto may papalit sa kanya para di kami gaanong malulungkot kapag lalayo yong panganay ko.

Magbasa pa

Hello 😊 a blessed happy good morning tuesday everyone πŸ˜‡ 3 kids po ang gusto namin mag asawa, pero kung ano ang pag kakaluob ni Lord πŸ™ my 1 anak na ako ngayon Girl 2 years old and 3 months. Sana pag nag buntis ulit ako sa 2nd baby namin Boy naman 😊 pero kahit ano gender basta safe and healthy πŸ˜‡. Thank you 😊 stay safe and healthy everyone. GOD Bless us always .

Magbasa pa

madami 5-7 .hahaha .. 2 lang kase kami magkapatid ang lungkot. hahaha .. maliit ang family sa side ko kabaliktaran namn kay husband both parents niya malalaki marami silang magkakapatid at magpipinsan ang saya .. sana lang sa panahon ngayon ay kayanin pa ang maraming anak para matupad naman yung family na gusto ☺️. hopefully in God's grace πŸ™

Magbasa pa

Isa lng po, super hirap lalo sa panahon ngaun. As a first time mom, grabe ang adjustments. Laging puyat at laging pagod. Hirap din financially gawa ng Pandemic, sumaside line lng si partner para may pang allowance at pantolustos kay baby. Pero lahat ng hirap ay napapawi sa tuwing ngumingiti at humahagikgik ang aking bungisngis na baby. 😊😘

Magbasa pa