pwede nyo po ako matulungan..kasi yong husband ko he cheat on me..ang masama p don ung babae kilala ko at naging mabuting friend kami..i didnt expect napatulan siya ng asawa ko kasi d nga mabuting klaseng babae,my isang anak at kung sinu2 ung pinapatulan,mahilig siya pumatol sa may asawa't anak..she's a social girl,d naman siya kagandahan..nahuli ko sila na may pic silang dalawa ng asawa ko na magkatabi matulog..nagbago ang asawa ko akala ko nagbago na pero inulit ulit at the same girl pa rin,ilang ulit nyang inulit..ewan ko b bakit d nya maiwasan ang babae baka nakulam sya ng babae..anu po b ang pwede kung gawin para bumalik asawa ko?pwede k p b syang patawarin?

29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi ka pwedeng lumaban mag-isa. Kung ikaw lang ang lumalaban para hindi masira ang pamilyang binuo niyong dalawa, balewala lang ito. Nasa sayo kung maghihintay ka pang "mapagod" na ilaban yang asawa mo, na obviously e napakahina sa tawag ng laman at temptasyon. NO, kung ako ang nasa sitwasyon mo, iiwanan ko ang asawa ko. Hindi ko kailanman gagawing ipilit ang sarili ko sa kahit kanino man. Sayang ang iisang buhay na ibinigay sakin ni Lord, kung aaksayahin ko lang sa taong hindi nakikita ang halaga ko at hindi ako nirerespeto. NEVER, akong makikipagcompete sa kahit kaninong babae na lumalandi sa asawa ko. Hindi ko na kailangan, dahil ako ang legal na asawa sa mata ng Diyos at tao, ako ang original. May karapatan ka ngang ipakulong sila kung kinakailangan (hindi ko iyo sina-suggest, kung di ka mahilig sa "gulo") Magdasal ka sa panginoon na sana ay malampasan MO ang pagsubok na ito. Wag na wag na wag mong kokomprontahin ang "mabuti" mong kaibigan. Ang kabit, gusto ng kompetisyon, gusto ng atensyon ng LEGAL na asawa. Hayaan mo siya. Hindi yung babae ang problema mo, yung asawa mo. Iprioritize mo ang (mga) anak mo. Nasa sayo kung magstay ka o hindi. Wag na wag lang magsstay ng dahil sa (mga) anak niyo. Maging wais.

Magbasa pa

Once is enough for me. Paulit-ulit? No way. Nasa sayo kung gusto mo pa mag-stay at makasama siya. Mapatawad mo man siya, di mo na makakalimutan ito. At kahit bumalik siya sayo, walang assurance na hindi niya uulitin ito, same girl or iba naman. Wag na wag ka magsstay ng dahil sa mga anak niyo. Ang pagiging kabit, wala yan sa itsura. Kahit muka siyang talampakan kung bigay todo naman sa kama at sadyang malandi, e makaka-aagaw at makaka-agaw ito ng asawa. Maging wais ka, wag na wag mong kokomprontahin ang kabit, wag na wag kang gagawa ng eksena. Gusto ng kabit ang atensyon mo (maliban sa asawa mo), wag mong ibaba ang sarili mo sa kanya. Ikaw ang asawa, wala kang dapat patunayan. Magplano ka para sa inyo ng mga bata. Gusto mong bigyan ng problema ang asawa mo? Idemanda mo. Gusto mo ng katahimikan? Lumayo ng tahimik, kumausap ng lawyer tungkol sa arrangements para sa mga bata (sustento).

Magbasa pa

Kung nagawa nyang lokohin ka ng una intindihin mo, pero pag ginawa na sayo ng paulit ulit. Girl, tanga na tawag sayo. Umalis ka na dyan, iwanan mo na yan. Walang patutunguhan yan makikisama mo sa asawa mo, mas pinili nya yung babae so be it, mag focus ka sa anak mo. Mas kailangan ka nya, unahin mo munang mahalin ang sarili mo at ang nga taong tunay na nagmamahal sayo, maging maligaya ka. Ipakita mo sa asawa mo kung ano ang nawala sknya at nawawala sknya, alam ko mahirap at masakit sa una. Pero once na nakapag move on ka na, at na conquer mo na lahat ng struggles mo sa asawa mo, mabubuhay ka ng matiwasay at masaya and I thank you! :) laban lang mommy. I'm sure nmn madaming susuporta sayo especially ang family mo. Hayaan mo sila. Sabi nga nila, DIGITAL NA KARMA ngayon, mas OK na ikaw ang naaapi, kesa ikaw ang nakakasakit. Mas pinagpapala ang mga taong nasasaktan. :)

Magbasa pa

Kung nahuli mo na siya nung una at nagkaroon kayo ng kasunduan na aayos na siya tapos inulit niya nanaman uli. Kung saakin yan, di ko na babalikan. Hihiwalayan ko na. Tama na yung minsang sinaktan at nagsuffer ka, wag mo ng ikulong yung sarili mo sa sakit. Kasi minsan, nakakababa ng tingin sa sarili yung mga ganyang gawain ng lalaki. Self love po mommy. At kung may anak ka, ituon mo sakanya lahat. Kung di siya willing magbago para sa pamilya niyo, better leave him nalang. Sayang panahon na igugugol mo sa sakit at pagiintindi kasama siya.

Magbasa pa
5y ago

Mas madaling patawarin kasi yung mga taong inaamin yung kasalanan at makikita mo yung willingness niya na magbago talaga. Pero sa kaso niyo ni Mister mo, parang walang nagbabago kung inuulit ulit niya lang lahat. Masyado ka niyang tinatake for granted. Bigyan mo ng ultimatum. Pagisipan mong mabuti mommy. Sa pagkakataong ito, sarili mo na isipin mo.

Forgive. Be friend with your enemies. Mas maging sweet ka sa husband mo. Magpa picture ka rin na sweet kayo ng husband mo and post mo sa social network. Wag natin ikahiya na ipakita ang paglalambingan natin. At pag nakikita ng “babae”, mas manggaliiti sya sa galit. Chances magrereklamo sa asawa mo yung babae kaya nagger na sya at pag nabwisit iiwan din yan. Baka lang (no offense meant’) mas malambing si “babae” kesa sayo. Then you should be more malambing sa asawa mo

Magbasa pa

sa pagpapatawad, parang ang hirap lalo na ulit ulit e. di kaya sya nagayuma? may kapitbahay kami, ginayuma daw ung lalaki. may asawa and anak din sila ng asawa nya. and yet, nagloko sya. not sure nga kung loko or gayuma talaga. nagbar ksi ung lalaki tapos after sometime, nagbago na. ung parang di nya alam minsan gianagwa nya. until now sila pa rin nung kabit and may isa na ring anak. pero ung orig n asawa, parang naging okay nalang. inaalagaan nya pa nga minsan ung baby e.

Magbasa pa

Stand for yourself, do the right thing pwede mo kasuhan if may proof ka, if ayaw mo ng malaking gulo maki pag hiwalay ka nalang kung paulit ulit ka na linoloko pero hihingan mo parin siya ng sustento, hindi worth it kung magpapaka tanga (sorry for the word) ka lang. ipakita mo sakanya na di ka lang basta basta na pwede lokohin, babalikan tapos lokohin ulit. for that girl iiwan din siya ng asawa mo. and for your husband, ang stupid niya para lokohin ka.

Magbasa pa

Magkamali ng once is understandable.. magkamali ng second time is merely acceptable.. pero pangatluhan pa at ulit-ulitin pa eh ibang usapan na.. choice na yan ng mister mo.. and the mere fact na pinili nya yan e d ibigay mo. Hndi mo kelangan makipaglaban dhil hindi ka nman sundalo.. ilayo mo anak mo. Wag m hyaang kalakihan nya ung gnyang ugali ng tatay nya towards you. Magfocus ka na lang kng paano kayo mbubuhay ng matiwasay ng anak mo..

Magbasa pa
VIP Member

wow mommy how martyr you were. Alam mo kahit anong klaseng babae pa 'yan kung loyal ang asaw mo di papatulan yan kahit na si mia kalifa pa ang mang aket. Sinasayang mo lang yung buhay mo sa kanya. He don't deserve you. At napaka imposibleng wala nang magmamahal at tatanggap sa'yo. Free yourself, focus on yourself and kiddos (if you have) Know your worth momshie gurl! Kase kung magpapakatanga ka jan ay nako kawawa ka.

Magbasa pa
VIP Member

Napakamartyr mo naman girl, pag ilang ulit ng ginawa sayo bigyan mo naman ng pride ang sarili mo. Mahalin mo naman ang sarili mo, respetuhin mo naman ang sarili mo. Napaka walang kwenta ng mga lalaking hindi marunong makuntento sa asawa nila, pagka tapos ng lahat ng sakripisyo mula sa hirap ng pagbubuntis at pagsisilbi sa kanila bilang asawa magagawa pa mambabae, tatagan mo girl at bigyan mo ng leksyon ang asawa mo

Magbasa pa