pwede nyo po ako matulungan..kasi yong husband ko he cheat on me..ang masama p don ung babae kilala ko at naging mabuting friend kami..i didnt expect napatulan siya ng asawa ko kasi d nga mabuting klaseng babae,my isang anak at kung sinu2 ung pinapatulan,mahilig siya pumatol sa may asawa't anak..she's a social girl,d naman siya kagandahan..nahuli ko sila na may pic silang dalawa ng asawa ko na magkatabi matulog..nagbago ang asawa ko akala ko nagbago na pero inulit ulit at the same girl pa rin,ilang ulit nyang inulit..ewan ko b bakit d nya maiwasan ang babae baka nakulam sya ng babae..anu po b ang pwede kung gawin para bumalik asawa ko?pwede k p b syang patawarin?

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi ka pwedeng lumaban mag-isa. Kung ikaw lang ang lumalaban para hindi masira ang pamilyang binuo niyong dalawa, balewala lang ito. Nasa sayo kung maghihintay ka pang "mapagod" na ilaban yang asawa mo, na obviously e napakahina sa tawag ng laman at temptasyon. NO, kung ako ang nasa sitwasyon mo, iiwanan ko ang asawa ko. Hindi ko kailanman gagawing ipilit ang sarili ko sa kahit kanino man. Sayang ang iisang buhay na ibinigay sakin ni Lord, kung aaksayahin ko lang sa taong hindi nakikita ang halaga ko at hindi ako nirerespeto. NEVER, akong makikipagcompete sa kahit kaninong babae na lumalandi sa asawa ko. Hindi ko na kailangan, dahil ako ang legal na asawa sa mata ng Diyos at tao, ako ang original. May karapatan ka ngang ipakulong sila kung kinakailangan (hindi ko iyo sina-suggest, kung di ka mahilig sa "gulo") Magdasal ka sa panginoon na sana ay malampasan MO ang pagsubok na ito. Wag na wag na wag mong kokomprontahin ang "mabuti" mong kaibigan. Ang kabit, gusto ng kompetisyon, gusto ng atensyon ng LEGAL na asawa. Hayaan mo siya. Hindi yung babae ang problema mo, yung asawa mo. Iprioritize mo ang (mga) anak mo. Nasa sayo kung magstay ka o hindi. Wag na wag lang magsstay ng dahil sa (mga) anak niyo. Maging wais.

Magbasa pa