Posible Bang Mag-Positive ang PT Kapag May UTI Pero Di Pregnant?
Hi po, gusto ko sanang malaman kung posible bang mag-positive ang pregnancy test (PT) kahit na may UTI ka lang at hindi ka pregnant? Masakit po kapag umiihi ako, lalo na kung wala na akong maiihi. Maraming salamat po sa inyong sagot at payo!

Ako akala ko uti lang yung nararamdam mo ko before. Same as yours. Para kong binabalisawsaw at ang saket. Yun pala buntis nako. At ayun ata ang symtom ko. Naka dalawang pt din po ako and puro positive, di nag sisink in sa utak ko na preggy nako baka kako nag positive lang sa kase sa uti. Haha! Pero nagpa consult agad ako sa ob. Para ma sure ko. At nag transV ultrasound si obgyne for asurance naden kung may laman ba. 6weeks preggy nako mommy :) consult mo agad sa ob mo para matulungan ka nya lalo na may uti ka.
Magbasa pa