CREDITS TO OWNER
PORKE NANAY KA NA BAWAL NANG MAPAGOD? Marami sa mga nanay ang naju-judge kapag nakakapagsabi sila ng mga salitang "Pagod ako" o kaya naman ay "Baka naman pwedeng magpahinga". Para kasi sa iba, kapag sinabing nanay ka, para bang wala ka ng karapatang maglabas ng hinaing o mag-express man lang ng sarili. Para kasi sa iba, dapat lagi kang okay, dapat lagi kang on-the-go, dapat hindi ka nagrereklamo, dapat hindi ka nagkakasakit, dapat hindi ka napapagod. Ang mga nanay ay tao din naman. Marunong din naman silang magalit, mapagod, masaktan, magkasakit. Tao din naman sila na pwedeng magkaroon ng kahinaan. Siguro ang problema ay nasa taas ng expectations sa mga nanay kaya kung tingnan sila ay parang superwoman. Reality check lang, ang mga nanay ay grabe kung magmahal na tipong uunahin muna ang mga anak bago ang sarili. Pero sana naman ay bigyan din sila ng kaunting konsiderasyon lalo na kapag dumarating sila sa punto na nanghihina sila at nasasabi nilang "pagod ako at gusto ko ring magpahinga". ? ?๏ธ Breastfeeding Mommy Blogger ? thepositivewindow.com