SAHM or WORKING MOM
Hi po, pahingi naman po ako ng payo. 7 months pregnant na po ako, ftm with baby girl. Marami po akong nababasa about breastfeeding at gusto ko ipush na iEBF ang baby ko. Gusto ko sana mag SAHM para mapush ang ebf at magfocus din sa pag alalaga sa anak ko kaso ang problem is, nagwowork kasi ako eh. At ako ang breadwinner ng family namin. Ako nagbabayad ng upa sa bahay, pero Mama ko at mga kapatid ang nakatira, gumagastos sa lahat. Mga tambay lang po mga kapatid ko at may sarili na din mga anak, na samin din nakatira. Naawa ako sa kanila, baka kung saan pulutin at ako lang inaasahan nila. Nanghihinayang din ako huminto dahil 50k sinasahod ko. Kung ako lang at anak ko, kayang kaya kami buhayin ng asawa ko, ang problema ako ang bumubuhay sa family side ko kaya ang hirap magdecide :(
Pano sila matututo?? Hanggat alam nilang nakasandal sila sau hindi yan sila matututo. Kusa gagalaw at magttrabho yan pag umalis ka. Kawawa anak mo kung dahil lang sa mga tamad mong kapatid hindi sya makakapagbreastfeed sayo. Wag mo po isacrifice health ng baby mo. Iba alagang pure breastmilk. Ibigay mo yun sa anak mo at karapatan nya un. Iba din ang alaga ng ina. Isacrifice mo yung work mo para sa baby mo. Minsan lang yan sila baby. Mabilis lang ang time. Nakakaawa mga kapatid mo pero they have to stand on their own lalo may mga pamilya na jusme. Tinuturuan mo lalo sila maging tamad at batugan. Kawawa si baby pag d ikaw nagalaga need nya ng warmth ng sariling ina.
Magbasa paUnahin mo si baby. Pag pinili mo un mga kapatid mo ibig sabihin hindi mo mabbreastfeed si baby at hindi ikaw makakapagalaga sakanya personally. E iyon mga kailangan ni baby. Breastfeeding at ikaw na ina. Ibang protection ang nabibigay ng direct latch breastfeeding kesa formula milk. Oras naman na siguro para unahin mo na si baby at magsigalaw na sila para mabuhay. Hindi pwede patambay tambay sa buhay. Minsan kelangan natin maging cruel para matuto sila. Piliin mo ang best para kay baby. You've done your part sa mga kapatid mo. Sarili mo naman at si baby ngayon.
Magbasa paHi sis, kung ang pinoproblema mo lang walang susustento sa mga kapatid mong tambay better yet unahin mo anak mo kaysa sa kanila. Hindi naman sa magdadamot ko or what, kailangan na nila mag stand on their own. Ano, habang buhay silang aasa sa'yo. Kaya hindi nagsisi-trabaho yang mga yan kasi nawiwili sa helo mo. Unahin mo hubby mo & baby mo. Hindi na sila priority mo ngayon kasi may sarili ka ng pamilya.
Magbasa paKung gusto mong ma SAHM, Kunin mo mama mo at kausapin mo mga kapatid mo na magtrabaho dahil may mga sarili na silang pamilya.hindi mo na sila dapat pasanin.. Or pag WORKING MOM pwede ka dn bumili ng breast pump at mag pump ka b4 pumunta ng work para EBF parn baby mo pero yun nga lng walang skin to skin contact at di mo masubaybayan palaki nya. FTM dn ako sis and EBF SAHM... 😊😊
Magbasa paProblem ko din yan mommy. Mas malaki ang kinikita ko kesa kay hubby kaya di kakayanin kung ako magsstay sa bahay para alagaan sya. Wala po tayong choice kundi magwork e. Kung kaya mo maghome base at makahanap nh kalevel ng sahod mo, go. Or kung breastfeeding lang naman ang winoworry mo , pwede ka naman magpump at magbuild ng stash para mapabreastfeed mo pa din si baby mo.
Magbasa paWhen you got married your first priority becomes your OWN family. Sabi nga sa Bible turuan mangisda wag bigyan ng isda. It's about time they start to learn to stand on their own. May sarili ka nang pamilya. Hindi naman ibig sabihin nun e hindi ka na tutulong. Tutulong ka pa rin pero ung kaya mo lang, pagkatapos mo masigurado na okay na ang sarili mong pamilya.
Magbasa paKung may sariling panilya na mga kapatid mo at hanggang ngayun sinusuportahan mo sila talagang lalo lang silang tatamarin may sarili kana din isipin mona yung sarili mong oamilya kung parents molang iniisip mo pwede mo makausap mama mo at siya nalang muna ang tulungan mo pero di na ganin kalaki ang mabibigay mo ofcourse iba na kasi ang may sariking pamily.
Magbasa paUnahin mo ang sarili mong binuong pamilya. Sila na dapat ang priority mo. Hindi laging nandyan ka para sa mga kapatid at magulang mo, dapat matuto din silang dumiskarte sa sarili nila lalo na kung malakas naman sila. Kung sila lagi uunahin mo pano naman ang anak at asawa mo.
Kuhain mo na lang nanay mo kung naaawa ka sa kanya. Pero yung mga kapatid mo, iba na yun. Magtrabaho na dapat sila. Kaya siguro nawili na sumandal sayo kasi shino shoulder mo lahat. Wag mo antayin na pag awayan niyo pa ng partner mo yang family mo dahil mas mahirap yan.
Mommy. Pagtrabahuhin mo kapatid mo. Lakas ng loob magpamilya. Wala naman trabaho. Pero i think. Stay at your job. Pwede ka naman magbreastfeed sa gabi. Hindi rin natin alam kung magtatagal ang milk supply mo. Ipon mo na before quitting your job. 😊
IT Programmer || Automation || Systems Analysis and Design