Bukod ng bahay
Gusto ko lang maglabas ng nararamdaman dito, We are currently living with my in laws, nagiisang anak lang kasi ang asawa ko and siya ang breadwinner. Walang trabaho or source of income ang mama at papa niya kaya siya lahat. Okay lang naman sana kami dito, kaso ako wala ako peace of mind at lahat ng nasusunod ay yung byenan kong babae, malakas kasi ang personality niya at ako naman ay introvert. Mahabang kwento, pero hindi ako comfortable at hindi din kami ganon naguusap kundi about sa bata Mag 2 years na kami dito nakatira and may 1year old na din kaming anak. Ngayon ready na kami bumukod, at magrerent na lang. ngayon, pinipigilan niya kami and kinakausap niya mga kaibigan ng asawa ko para kausapin. Nagkkwenta kasi yung byenan ko dahil sa gastos daw, nagresign kasi ako sa work at yung anak niya ang lahat. Pero kaya niya naman kami buhayin. Hay ang hirap kapag nasanay sila na oo lang sakanila lagi anak nila. Ang hirap lang kasi hindi ko man lang makwento sa pamilya ko, sa asawa ko lang lahat tapos busy naman siya lagi sa trabaho.