SAHM or WORKING MOM

Hi po, pahingi naman po ako ng payo. 7 months pregnant na po ako, ftm with baby girl. Marami po akong nababasa about breastfeeding at gusto ko ipush na iEBF ang baby ko. Gusto ko sana mag SAHM para mapush ang ebf at magfocus din sa pag alalaga sa anak ko kaso ang problem is, nagwowork kasi ako eh. At ako ang breadwinner ng family namin. Ako nagbabayad ng upa sa bahay, pero Mama ko at mga kapatid ang nakatira, gumagastos sa lahat. Mga tambay lang po mga kapatid ko at may sarili na din mga anak, na samin din nakatira. Naawa ako sa kanila, baka kung saan pulutin at ako lang inaasahan nila. Nanghihinayang din ako huminto dahil 50k sinasahod ko. Kung ako lang at anak ko, kayang kaya kami buhayin ng asawa ko, ang problema ako ang bumubuhay sa family side ko kaya ang hirap magdecide :(

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako po working mom pero exclusive breastfeeding p din si baby. mahirap pero kinakaya ko. at kakayanin p din. si hubby ang nag aalaga kay baby. wals kmi pwede asahan iba. mababa sahod ni hubby kaya sya yung nagresign sa work. okay naman kmi so far

Mommy ngayon your priority should be your own family which is your baby and your hubby. Kailangan maisip yun ng mga kapatid mo,hndi ka na dalaga may responsibilidad ka na. Talk to them.. If pwede bumukod na kayo..

VIP Member

Hi mommy. You can do pumping or hand express if gusto niyo po bm pa rin si baby. 😊 Para nakakawork pa rin po kayo. Just prepare bottle storage and breast pump.

VIP Member

Sis, family first. Ibig sabihin, unahin ang sariling pamilya. If married na kayo dapat nga ay bumukod na kayo. Unahin mo mag ama mo

5y ago

Hindi masama ang maging priority sariling pamilya dahil yan na po ang bago mong pamilya.

Mamsh, unahin mo baby mom kailangang matuto ng mga kapatid mo na tumayo sa sarili nilang mga paa

pede naman hati ate ee kapag wala ka tska mo iformula

VIP Member

Unahin mo po anak mo