Immature Partner
Hello po need ko lang po ng advice at encouragement words. Naiistress na din kase ako at nasasaktan. Yung BF ko kase (nakabuntis sakin) nagsasama kami ngayon. Twing nag aaway kami lagi syang lumalapit sa ex niya. (Alam ng ex nya na buntis ako pero wala syang pakialam) Dahilan ng BF ko PINAGSESELOS AKO.Pinalitan nya din password ng cp nya ng MONTHSARY NILA NG EX NYA .Binura din ung wallpaper nya na pic namin dati.Naka private din ung pic ng ex nya sa album nya. Nakita ko yun kase kinukwento nya ex nya sakin so nahulaan ko password.Tas nung nabasa ko usapan nila ang LANDI NG USAPAN NILA TUNGKOL SA PAST NILA. Isa pang issue ko ung minumura at laging sinasabi na UMUWI NA AKO SAMIN. Gustuhin ko man umuwi d ko magawa kase malayo Magulang at kapatid ko. Ang alam din ng pamilya ko na OK LANG AKO Pero deep inside sobrang durog na Pagkatao ko. Ang hirap po magtimpi kase napaka immature nya. Any encouraging words pls .Thank you.