Hello Po Sino Po Dito Maliit Sipit Sipitan Pero Normal Delivery Pa Din Po..
Hello po mga Momshie.. Sino po dito maliit sipit sipitan.. Pero normal delivery.. Ako po kase yun 1st baby ko.. Sa lying ako nanganak.. Na over due si baby nun at naka pupu na sa loob ng tummy ko .. Kaya tumawag na kame ng doctor para Doctor na mag paanak sakin. since di kaya ng mga midwife.. Tapos nung nanganganak na ko. dun pa lang po nalaman sa doctor na maliit pala sipit sipitan ko.. Kaya siguro di bumaba si baby. Pero na normal ko pa din po si baby kase maliit lang nman 2.5 kl lang sya.. Today po I'm 37 weeks at 6 days.. Pregnant sa second baby ko.. Pero nung last check up saken ng Ob. Saken wala nman syang nabanggit na maliit sipit sipitan ko.. Kahit I na E nya ko.. Sabi nya lang makapal pa daw kwelyo ng matres ko kaya niresetahan nya ko evening Rose.. Pero 2 weeks na ko nag insert ng evening prime sa pwerta ko.. Pero feeling ko.. Wala nman ipekto.. Natatakot ako na baka ma Cs ako ngaun sa second baby ko.. ??
Nurturer of 1 fun loving boy