Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Nurturer of 1 fun loving boy
Medyo Madilaw Si Baby At May Halak
Hi po mga mommies.. Need ko po ng advice yun baby ko po kase mag 1month Na sya bukas pero parang madilaw pa din po sya.. Araw araw ko nman po sya binibilad sa araw tuwing umaga.. Pero parang walang epekto 😥shaka po parang may plema si baby pag dumedede Sya saakin.. sabi po saken Halak daw po yun.. painumin ko daw po ng dahon ng ampalaya.. Totoo po ba yun.?? Ano po kaya pwede ko gawin para mawala pa I ilaw at Halak ni baby 😢😞Salamat po sa sasagot.. Please respect po..
39 Weeks And 1 Day
39 weeks and 1 day pero no sign of labor pa din ? natatakot ako ma over due.. Ano po kaya mas effective gawin para mag labor na.. Almost 3 weeks na ko nag iinsert sa pem pem ko ng evening prime rose. 2 cap morning and evening pero parang wala pa din effect.. Lakad lakad at squat. Ginawa ko na din pero. Parang wala pa din ??
Hello Po
Sana po may makatulong.. yun pamangkin ko po kase.. Una akala nmin bungang araw lang Yun tumutubo sakanya Pero bigla nalang nagsusugat na yun paa at kamay nya.. Yun mga butlig parang pumuputok.. At nagsusugat.. Ano po kaya ito at anong pwedeng igamot dito.. Dinala nanamin sa mga health center. Pero wala nman ginawa. Wala daw doctor na available.. Wala nman po silang pera pang pacheck up sa mga private doctor.. Sana po may makapnsin at makatulong ??
Sss
Hi Mga Mommies.. Tanong ko lang po. Makakakuha parin po ba sa sss.. Kahit yun last na hulog ng employer ko eh Nov. 2019 pa.. Last Dec 2019 kase na end of contract na ko sa trabaho ko. Di na po kase ako nakapag update nakapag hulog Sss ngaun 2020. Pero nakapafile nman ako ng mat 1 ng February.. Kailangan po ba makapag hulog ako para makakakuha ako..? Thankyou po sa sasagot.. ??
Hello Po Sino Po Dito Maliit Sipit Sipitan Pero Normal Delivery Pa Din Po..
Hello po mga Momshie.. Sino po dito maliit sipit sipitan.. Pero normal delivery.. Ako po kase yun 1st baby ko.. Sa lying ako nanganak.. Na over due si baby nun at naka pupu na sa loob ng tummy ko .. Kaya tumawag na kame ng doctor para Doctor na mag paanak sakin. since di kaya ng mga midwife.. Tapos nung nanganganak na ko. dun pa lang po nalaman sa doctor na maliit pala sipit sipitan ko.. Kaya siguro di bumaba si baby. Pero na normal ko pa din po si baby kase maliit lang nman 2.5 kl lang sya.. Today po I'm 37 weeks at 6 days.. Pregnant sa second baby ko.. Pero nung last check up saken ng Ob. Saken wala nman syang nabanggit na maliit sipit sipitan ko.. Kahit I na E nya ko.. Sabi nya lang makapal pa daw kwelyo ng matres ko kaya niresetahan nya ko evening Rose.. Pero 2 weeks na ko nag insert ng evening prime sa pwerta ko.. Pero feeling ko.. Wala nman ipekto.. Natatakot ako na baka ma Cs ako ngaun sa second baby ko.. ??
Hello Mga Mommies Any Suggestions Po.
Hello po mga Momshie.. Suggest naman kayo ng Baby boy Name start po sana ng K&k thankyou po ang advance.. ???
Para San Po Kaya Tong Nireseta Sakin
Para San Po Kaya itong binigay saken ng Ob ko saken?? Almost 1 week ko na po ito ginagamit.. Inilalagay ko po ito sa vigina. At iniinom ko .. Di ko po kase naitanong hehe 37 week pregnant po.. Pls respect.. ??
Totoo Po Bang Nakakalaki Ng Bata Sa Tiyan. Ang Pag Inom Ng Malamig Na Tubig
Hello po.. Hihingi lang po ako ng advice.. 35 weeks po akong buntis.. Pero feeling ko ko sobrang laki ng tyan ko sa 2cnd baby ko unlike sa panganay ko.. Medyo di naman ako malakas sa kanin..pero malakas ako sa malamig na tubig kase sa sobrang init ng panahon totoo po bang nakakalaki ng bata sa tyan ang pag inom ng malamig na tubig?? Thankyou po sa sasagot ??pls respect po ?