problem in in-laws
Hello po mga mommies, sino po dito ang same case ko na di ka close nga in-laws nila? Mababait naman pero di nakakaimikan. Nakakailang po dba? Di ko po alam kung ayaw nila sakin or what. Alam ko naman po na kahit sa kamag anak nila di sila palaimik talaga, ang sakin lang naman po asawa n ako ng kuya nila eldest po kasi yung asawa ko. Parang nakakawalang resprto lang po kasi na kahit kaharap na ako at kaya ko naman sagutin mga tanong or sasabihin nila iddirect pa din nila talaga sa kuya nila. Kahit ako yung dapt tanungin kuya pa din nila tatanungin nila. Kahit sa pagaalok ng pagkain kuya lang din nila tatanungin nila. As in po talaga. Alam ko naman pong ako makikisama kaai ako lang dapo pero paano ko po sila pakikisamahan kung may sarili naman silang mundo. Hindi ko nga po alam kung anong mga pinaguusapan nila kaya palagi lang po ako nasa kwarto. Kahit sa mga plano dito sa bahay wala akong kaalam alam. Palaging sa asawa ko nagsasabi kahit about sa baby namin sa asawa ko lang din sila nagsasabi. Parang hangin lang ako dito sa kanila. Kaya di rin po maiwasan sakin na maonis kapag kinukuha nila si lo kasi iniisip ko parang hangin lang ako sa kanila tapos anak ko kukunin nila sakin. Ang mahalaga lang sa kanila yung kuya nila at anak namin. Mas kinakausap at mas tinatanong pa nila Baby ko kahit alam namang hindi pa makakasagot. Sakin naman po okay lang kung di ako makasali aa mga kwentuhan nila qag lang yung parang pinaparamdam nila na hangin lang ako at hindi ako welcome sa family nila. Nasabi ko na po itong problem ko sa asawa ko. At sabi nya pag naging okay na ang lahat bubukod kami sa ngayon po kasi di pa daw namin kayang bumukod. Kasi yun lang po yung nakikita kong paraan para hindi din nakaka stress. Para din po makakilos ako ng ayos. Magawa ko mga gusto ko. Pasensya na po mga mommies naiinis lang po talaga ako. ???????