is it PPD?

Hello po mga mommies! Maglalabas lang po sana ako ng saloobin ko. Di ko din po alam kung bakit ganito nararamdaman ko. Actually, mabait naman yung pamilya ng asawa ko. Asikaso ako lalo na nung nanganak ako (cs) lahat ng pangangailangan ko nung buntis ako binibigay nila lalo na ng MIL ko. Kaso ang problema ako po nahihirapan ako makihalubilo sa kanila kasi isang lalaki lang po sa magkakapatid yung asawa ko puro babae na. Close silang magkakapatid pati MIL ko close nila. Palagi sila nagkukwentuhan yubg sila sila lang. Naiilang naman po akong makisali sa usapan o makiupo para makinig ng kwnetuhan nila kasi sila sila din naman po nagkakaintindihan. Okay naman sakin yung mga kapatid nya, medyo ilang lang po dun sa sumunod sa asawa ko na isang taon lang tanda ko. As in ilang po kami sa isat isa di ko alam jung ayaw ba nya sakin or what. Kapag andyan asawa ko yun lang kinakausap nya. May times din na naiinis ako kapag hawal nila lo ko parang gusto ko ipakuha agad sa asawa ko. Naiinis ako kasi ayoko naman pong gawin yung bagay na yun pero di ko po mapigilan, yung asawa ko naaaway ko. ☹☹??? masamang manugang at sister in law na po ba ako? Yung gusto ko minsan ako lang hahawak kay lo? Pls help me po. Need some advice po.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momsh wag ka maging stiff. Mag reach out ka din sometimes kasi baka naghihintayan lang kayo. Ikaw na ang mauna and natural lang na parang maging mas protective ka sa anak mo pero hayaan mo din silang ienjoy si baby. Wag ka mastresss at wag mo awayin asawa mo

5y ago

Tina try ko naman po momsh, pero sila po kasi mga tahimik talaga. Hindi pala kwento kaya sanay lang sila na sila sila lang magkakausap. Yung MIL at FIL ko din po mga walang imik. Tanong sagot lang din po. Pero yung tita, tito, lolo at lola naman po ng asawa ko yun po yung nakakakwnetuhan ko kasi maiimik sila kaya madali ko nakapalagayan ng loob. Tsaka puro din po kasi sila kulong sa loob ng kwarto gigising hapon na tutulog hating gabi na kaya wala din po talaga time para makapag usap din po. Nagiba iba po nung lumabas na si lo ko kasi nung buntis ako talagang dadaanan lang nila ako.

VIP Member

Sis, baka yang yung PPD po. It's just a phase siguro. Ang mahala may nakakausap ka sis na kasundo mo. And i-open mo din yan sa partner mo kasi ang hirap di mapagusapan.. Kailangan mo ng strong support group lalo nanif PPD talaga yan..

5y ago

Yes po momsh, palagi naman po akong nag oopen sa partner ko kasi sya lang po nakakausap ko dito. Sa kanya lang ako nagiging madaldal yung kung ano talaga ako. Sabi po kasi palagi ng partner ko mga busy sila kaya ganun. Isa din po kasi sa gusto kong mangyari yung bumukod kami kaso ayaw ng partner ko. Kesyo di pa daw kaya. Kasi nahihiya din ako sa pamilya nya kasi ayaw kami pagastusin dito ultimo pagkain at palabada ayaw nila. Gusto nila sa kanila. Once na ako nag offer na hahati kami sa kurynete para naman kahit papaano may bayadan kami. Kaso ayaw nila. Nahihiya po ako sa mga kapatid nya baka isipin sinasamantala ko yung nanay nila na sarap buhay ako dito sa kanila. Kung tutuusin nga po malaki din naman bahay namin para dun kami tumira kaso mas pinili ko po sumama kung saan ang asawa ko. Gusto ko lang din naman po maramdaman yung masasabi ko sa sarili kong may pamilya na talaga ako. Hindi yung asa na sa kanila. ☹☹☹☹☹☹ sorry po napababa na