Gamit ni baby

Hello po kapwa ko mommy!!! I'm 24 weeks preggy with my twins. Okay na po kayang mamili ng gamit nila baby. Sabi sabi kasi dito sa lugar namin malas daw po, dapat daw 7months pataas pa. Thanks sa sasagot.

29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

anytime mii. But honestly namili lang ako nung nag 30 weeks ako 😅 I have a sensitive pregnancy and I have PCOS din. women getting miscarriage news reach me, like someone who's already 7 and 6mos got miscarriage and they're quite healthy. kaya nag bed rest ako. stopped myself from buying stuff until ma sure ko na safe na ko. I'm not saying that I'm sure to lose my baby. However di ako mayaman and Lalo Kong malulungkot seeing the things I bought for nothing. Mahirap kase mag buntis ang may PCOS so I refrained myself from getting excited and focused on my health. After my previous check up, we conclude that the baby is super healthy, I'm healthy and a few weeks left before childbirth namili na ko. hehehe sarap sa feeling mamili and mag order sa shoppe. worth the wait. If healthy ka Naman kayo ni baby and you don't do excessive movements go ahead. Buy anything you want it feels good buying things for your baby ♥️

Magbasa pa
1y ago

mas goods bumili pag alam mo na gender ng baby mo sis..

sa tingin ko mi hindi naman po masama mamili as long as my budget naman na po , pero ako mi next week palang mamimili ng mga damit ni baby inuna ko kasi bilhin muna yung detergent mga oils baby wash etc. pero puro maliliit lang muna binili ko kung sakali na hindi mahiyang si baby. then next week mga damit na nya ang dami rin kasi pamana ng mga friends ko na binigay kay baby na damit . ☺️ 27 weeks preggy po ako .

Magbasa pa

I think yung pamahiin na yan ay dahil sa early stages ng pregnancy hindi ka pa sure sa viability ng pregnancy kasi minsan healthy ka naman at si baby then bigla may complications, di nagprogress pregnancy at mas mahirap magmove on makita na ok na lahat ng gamit pero wala si baby. Pero as long as alam mo na gender go bili na, nasa iyo naman yan, may mga pregnant mommies lang who choose to follow pa din.

Magbasa pa

Pwede na yan mi. Pamahiin lang po yan. If may budget ka naman na, go for it na. Baby mo yan, kaya dedmahin mo muna mga pamahiin ng iba if afford mo naman na 😊 kami din nagstart kami mamili 21 weeks pa lang sya, nagstart kami sa cribs and yung mga malalaking gamit. Inuna namin yung medyo mabigat sa bulsa tapos sinunod namin yung mga needs na nya talaga sa ospital at pagkapanganak. 😊

Magbasa pa

No po. Aq 3 months plng tummy q plagi nko nabili ng gamit. inuuna q ung gagamitin nmin alcohol sabon bulak etc. bumibili kc aq maramihan at mlalaki pra khit ilang months my mgamit kmi. at inuunti unti q tlga pra ndi mabigat sa bulsa. at pag know q na ung gender dun q na uunti untiin bilhin lhat lhat. kc pag nsa 8 months kna panay na check up at ultrasound at mbigat po un sa bulsa.

Magbasa pa

Kaya sinasabi ng iba na 7 months pa dapat dahil sa ganyang month onwards maliit na ang chances ng miscarriage. Kami nagstart mamili ng gamit 2 months palang pero yung mga binili muna namin ay yung pwede namin mapakinabangan in case na hindi magtuloy ang pregnancy like dresser, storage boxes, trolley organizer, etc. Around 4 months na kami namili ng mismong gamit ni baby.

Magbasa pa

Ako 32 weeks na bumili, kasi may baru baruan na bigay ng mga SIL ko pero malaki pa din gastos talaga, kaso ok lang sa akin. Yung sa una ko kasing pregnancy 4th month bumibili na ako kaso nagpreterm labor ako ng 5th month ko lahat ng binili ko naipamigay ko lang din kasi nasasaktan ako na makita yung mga binili ko na hindi nagamit ng anak ko.

Magbasa pa

high risk pregnancy ako nun, may diabetes ako pero 21weeks pa lang tiyan ko namili na kami ng gamit nung nalaman na namin gender niya. december kasi nun kaya may budget... kesa maubos lang pera sa walang kwentang bagay pinamili na namin ng gamit. ngayon nanganak na ako. awa ng diyos healthy si baby mag 2mos na siya. 🥹

Magbasa pa

kung 7 months ka magstart bumili. masstress ka sa gastos. ako nga 5 months nagstart mamili tsaka dpt tlga 7 months okay na gamit ni baby lalo yung pangospital kasi hindi naman lahat nanganganak ng full term so in case of emergency nakaready kana.

The moment na nalaman namin ang gender at 16 weeks nagstart na kami buy baby stuff. una muna ang newborn clothes na need sa hospital and early newborn days tapos every month dumadagdag kami gamit. last na bibilhin mga toiletries/consumable items at 30 weeks 🙂