Gamit ni Baby

Mga momshie Ok lang po ba mamili nang gamit ni baby 27weeks 2days , balak ko po sana mamili na sept 1 may nrinig po kasi ako kasabhan na di daw mganda mamili gamit ni baby nang medyo maaga

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Okay lng naman mamili mommy para ready ka na rin sa mga gamit ni baby at an early state of your pregnancy...mahirap na din kasi magtravel2 or lakad2 na buntis...ang walking exercise nlng focus mo pag malapit na due date mo ..wala ng problem sa gamit mo at kay baby

VIP Member

Ok na mamsh as long as sure ka na sa gender. Mas ok kasi kung kumpleto ka na bago pa sya lumabas para mas makapag focus ka sa pag aalaga kay baby at the same time pwede mo hati hatiin ung gastos hindi isang bagsakan ka namili db?!

VIP Member

Sis, ako 24 weeks na. Nag start na ako mamili habang okay pa pakiramdam kasi 2nd trimester. Gusto ko kasi na laundry ko na din mga gamit niya pag 3rd trimester na ako para wala na akong iisipin eh 😊

momsh ask ko lang kung kelan EDD mo?? kasi ako May 20,2020 pero 25weeks and 2days na ko now..pero ikaw sabi mo mamimili ka Sept, 1 edi wala po magagamit baby mo kung sakali..curious lang po..

VIP Member

Yes okay lng yan mamsh para di ganu mabigat pag isang bagsakan. Sultin mo na pamimili kasi pag lumabas na si baby, kahit gusto mo mamili di mo mgagawa kasi di pa sya pde ilabas like sa malls

Pag sure ka na sa gender ni baby pwede na po para di din kayo magahol sa oras. Para maprepare nyo 😊

25 weeks namili n ako., siguro kung sa 1st tri bwal pa., un dn sabi ng mama ko

Okay lng yan sis basta alam mo na gender ni baby.

VIP Member

Okay lng mamsh..aq nga 5mos plang namili na.