Gamit ni baby
Okay lang po ba na mag ipon na ng gamit ni baby kapag 7months na ang tiyan? marami po kasi nagsasabi na masama daw po? Thankyou #1stimemom
ako nung nalaman ko na gender ni baby namili na ako pa unti unti ng mga gamit nya, btw 5months palang nung nalaman ko gender nya, ang aga ko namili diba, yan din sabi saken wag daw muna mamili pag wala pa 7months panu pag nagkataon na sa mga months na yun wala kanang pambili edi mas mahihirapan ka , kasabihan lang naman po yun e kay Lord po tayo maniwala at magtiwala 😊
Magbasa paas much as possible pag nalaman mo na gender ni baby nagsisimula k ng mag ipon paunti unti.. or khit di mo pa alm gender ni baby yung mga basic na baru baruan ni baby pwde k ng bumili. pang unisex nman pag puti. para at least di masakit sa bulsa or mas madami ka png time para makomoleto mga essential ni baby
Magbasa payes po...7 months p lng po tyan ko pero naihanda ko na mga gamit ng baby ko pra sa king panganganak... ung essential lng po sa panganganak ko.. bili n lng po ako ng ibang gamit paglabas ng baby para d masayang ang pera at sure na magagamit nya kc mahirap po kitain ang pera ngayon....
ako nga 2months pa lang tiyan ko, bumili na ko, second baby ko na dn to. napamigay ko na kc pangNB na damit ng panganay ko kc kala ko dina namin siya bigyan ng kapatid, kya 10yrs na c panganay, saka pa napagdesisyonan ng tatay niya na bigyan ng kapatid. back to zero tuloy ako.
7 months ako nagstart bumili-bili ng mga gamit ni baby. Mahirap na ang sabay sabay tapos may makakalimutan. Inaabangan ko din kasi yung mga sale— eh diba hindi naman sabay sabay yon so… mas okay maging praktikal po kesa maniwala sa sabi-sabi na walang basehan po.
6 months palang ngumpisa na ko ipunin gamit ni baby nalaman ko narn kasi gender. Para mabudget every payday ni hubby ko namimili ako . 😊 nsa sa atin yan kung maniniwla sa pamahiin o hindi basta alm mo sa sarili mo na ok si baby at naalgaan ntn sya 😊😍
opo.. mas mganda magipon pauntu unti kesa ung mangangnak kana alang gamit.. ako po nag start mag ipon ng gamit 6mos.. ngayon kabuwanan kona kumpleto na sya dipa mbigat sa bulsa kasi inot inot.. kda week na sasahod si mister may 300 ako pra sa gamit nya ganun lng
mas masama po kung 9months ka na mamimili kasi wala na time labhan at ayusin 😅 anyway, 6months po tiyan ko noong namili kami tas nagdadagdag ng pakonti konti. 2weeks before ako ics maayos na mga gamit ni baby. laba na at nasa lagayan na papuntang ospital
ako nung 4 months ako nag start mag ipon ng gamit ayaw kasi namin mag asawa ng biglaan much better paunti unti ngayon 5 months na ako may complete set of white na siya and bottles so sa ssunod ung mga damt na niya na may color once nlman namin ang gender
yes po. 7months is the right time para unti untiin ang mga needs ni baby. oo maraming pamanhiin, but mas need ni baby ang mga gamit also to your delivery day. mas mahirap pag wala ka pang gamit kung kailan manganganak kana. dont mind them muna.
Got a bun in the oven